^

Punto Mo

Sampaguita (151)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAPASIGAW si Sam nang makita ang maraming linta sa tubig. Pero ang ipinagtaka niya, hindi siya ginagapangan ng mga ito at bagkus ay lumalayo pa nga sa kanya! Nahahawi ang mga linta sa kanyang dinadaan at natatakot na mapadikit sa kanyang katawan. Dahil kaya sa mga mutya na nasa kanyang bibig? Maaaring natakot ang mga linta sa bisa ng mutya. Tama ang sabi ng kanyang Lola Rosa. Puproteksiyunan siya ng mutya!

Nakatawid si Sam sa ilog na walang linta na dumikit sa kanyang katawan. Nang tingnan niya ang dinaanang tubig, unti-unting nagsakop muli ang mga linta. Pinadaan lamang siya ng mga ito.

Nang makasampa sa pampang ay ipinasya niyang iluwa muna ang dalawang mutya. Binalot niya ang mga iyon sa sa panyo at isinilid sa bag. Ligtas na siya sa mga linta at marahil ay wala nang hahadlang sa kanya para makalabas sa resort na ito.

Nagmamadali siyang naglakad sa damuhan. Pawang mga bagin ang kanyang natapakan. May mga makahiya at iba pang matatalas na damo. Pero hindi na niya iniintindi ang mga damo. Kailangang makalayo siya at baka hinahabol siya ni Levi. Pakiramdam niya, hindi titigil si Levi hangga’t hindi siya nahuhuli.

Hanggang sa mabulaga siya sa kanyang nilalakaran. Tumambad sa kanya ang maraming ahas!

Eeeeeee!

Parang ipinako siya sa pagkakatayo. Sa maling kilos    niya ay maaari siyang tuklawin ng mga ahas na nagsala-salabid ang mga katawan. Sa tingin niya nagkabuhul-buhol na ang mga ahas.

Naririnig niya ang pagsingasing ng mga ahas.

Ito ang sinasabi ni Levi na mga ahas na nakaabang sakali’t maligtasan ang mga linta sa ilog. Talaga palang maraming ahas.

Pero hindi nasiraan ng loob si Sam. Dahan-dahang dinukot sa bag ang mutya  na nakabalot sa panyo. Dahan-dahang kinuha at isinubo ang mga iyon.

Pakiramdam ni Sam ay luma­kas na naman siya makaraang ilagay sa bibig ang mga mutya. Kakaibang lakas ang naramdaman niya.

At hindi siya makapaniwala sa nakita sa kanyang harapan. Nagyukuan ang mga ahas! Parang natakot sa kanya!

(Itutuloy)

AHAS

ANG

DAHAN

KANYANG

LINTA

LOLA ROSA

MGA

NANG

NIYA

PERO

SIYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with