Cheese na gawa sa gatas ng baboy, ibebenta ng isang Dutch farm

ANG “Piggy’s Palace” ang kauna-unahang kompanya sa Netherlands na magbebenta ng keso na gawa sa gatas ng baboy. Yes, kung inaakala ninyong ang baka lamang ang maaaring pagkunan ng gatas na ginagawang keso, nagkakamali kayo sapagkat hindi magtatagal at magiging available na ang keso mula sa gatas ng baboy. Iyon nga lamang medyo may kamahalan ang keso, £1,500 ($2,300) per kilogram!

Ayon kay Erik Stenink, pig farmer at may-ari ng “Piggy’s Palace”, naisipan niyang gumawa ng keso mula sa gatas ng baboy sapagkat natuklasan niyang ito ay mas mayaman sa protina kaysa gatas ng baka.

Masyado nga lamang matrabaho ang paggawa ng keso mula sa gatas ng baboy sapagkat mahirap gatasan ang hayop. Hindi ito katulad ng baka na madaling kumuha ng gatas.

Ayon pa kay Erik, sa una niyang try ay nakapag-produced lamang siya ng kalahating kilo ng keso at ibinenta niya sa isang hindi pinangalanang tao. Ang napagbilhan sa keso ay

Ipinagkaloob nila sa children’s cancer charity.

Natutuwa si Eric at may mga interesado na sa naisip niyang produkto at umaasa siyang magtutuluy-tuloy ang pagpo-produce niya ng keso mula sa gatas ng baboy.

Show comments