Mga ugaling okey sa mga ‘Kano’ (Part 2)

…pero kabastusan sa ibang kultura

Pakikipagkamay

NAPINTASAN ng mga Koreano si Bill Gates nang bumisita siya sa South Korea noong 2013. Nang makipagkamay siya kay President Geun-Hye  Park, ang kanyang kaliwang kamay ay nasa loob ng bulsa. Ang tingin ng mga Koreano ay bastos si Bill Gates. Maling itago sa bulsa ang kaliwang kamay habang nakikipagkamay.

Nagkataong naroon din sa Korea ang co-founder ng Google na si Larry Page. Kagaya ni Gates, binisita rin nito ang Presidente at nakipagkamay. Makikita si Larry Page sa picture A, kung saan ginawa niya ang tamang paraan ng pakikipagkamay.

Si Bill Gates ang nasa picture B. Makikita ang paraan ng kanyang pakikipagkamay na ikinadismaya ng mga Koreano.

(Itutuloy)

Show comments