^

Punto Mo

‘Mga sugatang leon’

- Tony Calvento - Pang-masa

ANG pinakamabangis na hayop pakainin mo alagaan kung may dinaramdam at yakapin mo ay magiging parang isang maamong tupa na pwede mong patulugin kahit katabi mo.

“Naawa kami sa aso dahil galisin at balak ng itapon ng dati niyang amo. t kinupkop naming mag-asawa,” ayon kay John.

Pitong taon nang mag-asawa sina John at Marjul “Owie” Erauda.  Kasalukuyan silang naninirahan sa Lancaster New City sa Cavite na ginawa ng kilalang developer na Property Company of Friends Inc. (PRO-FRIENDS). Tatlong Aspin o ‘Asong Pinoy’ at isang pusa ang alaga nila.

“Kapag kasi sinabi mong Askal parang ligaw silang aso. Aspin na ang tinawag namin dahil may bago na silang ta-hanan at may nag-aalaga na sa kanila,” sabi ni John.

Ang unang aso nila na si Hachi ay itatapon na sana ng nauna nitong amo. May galis ito kaya binalak na iligaw na lang.

“May isa kaming kapitbahay na naawa. Nakita niyang may alaga kaming pusa kaya ibinigay niya. Baka daw gusto namin ng aso,” kwento ni John.

Kinuha nila ito at inalagaan hanggang sa mawala ang mga galis. Ang pangalawa nilang aso na si Pepito ay nakita nila sa daan. Payat na payat at halos isang linggo na daw yatang hindi kumakain. Tulad ng ginawa nila kay Hachi kinupkop nila ito.

Ang pangatlo nila ay si Sabrina na dating aso ng kanilang karpintero na ibinigay na sa kanila.

“Yung pusa naman napulot namin sa Dela Rosa St. sa Makati,” wika ni John.

Kwento ni John ang asawa niya daw talaga ang mahilig mag-alaga ng mga hayop nahawa lang siya.

“Mula nung bata pa ako naaawa na ako dun sa mga hayop na inililigaw,” pahayag ni Owie.

Itinuturing nilang parang tao ang mga ito na kailangan ng masisilungan at hindi yung palaboy-laboy lamang sa kalsada. Mas nakakasakit pa nga ito kapag walang nag-aalaga.

Ayon sa Psychologist na si Camille Garcia ang ganitong uri ng pag-ugali ay dahil sa kina-lakihang paligid. Ganito daw sila kung itrato ng kanilang mga magulang na lagi silang inaayos.

“Nandoon yung espesyal na samahan sa pagitan ng mga magulang at ng anak,” wika ni Camille.

Maganda daw iatang sa mga bata ang pag-aalaga ng hayop dahil natututo sila na hindi lang magmahal kundi ang magkaroon ng responsibilidad.

“Bago kami mag-ampon ng aso sinigurado namin na may panahon kami oras at pasensiya para sa kanila. Darating din ang panahon na kapag maingay maiirita ka,” ayon kay Owie.

Isa din sa may alagang hayop sa Lancaster New City ay ang pamilya ni Luzviminda Gaviola na isa din sa nakatira sa subdibisyon at mahilig mag-alaga ng mga hayop. Ang asawa niya daw talaga ang mahilig sa hayop at nahawa na lang siya.

Labrador at Chihuahua naman ang alaga nila at isang tarantula.

Hindi man nila pwedeng ituring tulad ng isang aso ang tarantula ay naniniwala sila na kapag may alagang hayop sa isang bahay ay nakakawala ito ng stress.

“Paraan din namin ito para magkaroon kami ng bonding. Ipinapasyal namin ng pamilya ko ang mga alaga kung walang pasok,” pahayag ni Luz.

Mahalaga din sa PRO-FRIENDS na ang komunidad na kanilang itinayo ay makakatulong sa mga hayop na walang tahanan.

Si Aira Manalo na mula sa Lancaster New City at nagtatrabaho sa Community Relations and Development Department, nirerepresinta nito ang Homeowners Association.

“Gumagawa kami ng programa kung saan mas matutuwa ang mga homeowners mahilig man o hindi sa mga hayop,” sabi ni Aira.

Nitong nakaraan lang ay nagkaroon sila ng seminar/workshop at inimbitahan nila ang Philippine Animal Welfare Society para ipaliwanag sa kung ano ang tamang paraan na pag-aalaga ng mga hayop.

“Patungkol naman sa mgaa gumagalang aso sa ating lugar tinuruan namin ang mga homeowners kasama na din ang mga security personnel para ituro kung paano ang tamang pag-aalaga sa mga hayop,” salaysay ni Aira.

May sarili din silang kagamitan kapag hinuhuli ang mga naliligaw na Aspin. Kalimitan kasi pumapalag ang mga ito kaya’t sinisiguro nila na hindi masasaktan ang mga aso.

“May nakalaan ding maghahatid sa kanila papunta sa impounding facility. Sa loob ng tatlong araw kapag hindi pa sila kinukuha may koordinasyon kami sa munisipalidad para sila ang mangalaga sa mga aso,” kwento ni Aira. 

Aminado sila na minsan may mga reklamo silang natatanggap patungkol sa kanilang mga alagang hayop. Minsan kasi ay maingay ang mga ito.

“Pinapapunta namin ang security personnel para sabihin yung problema. Iniimbitahan din namin sila sa opisina para pag-usapan ito,” wika ni Aira.

Ang ilan namang mahihilig sa hayop sinisigurado nilang hindi makakalabas ang kanilang mga alaga dahil may sari-sarili naman silang gate.

“Kapag mga hindi taga doon sa amin, tumatahol sila. Ibig sabihin dapat yung may-ari titingin sa labas. Titingnan kung sino ba yung tinatahulan,” ayon kay Owie.

Nagiging daan din sa bawat pamilya ang mga alaga nila para maayos ang kanilang maliliit na tampuhan.

Sabi pa ng Psychiatrist na si Camille mayroon silang ‘psychiatric facility’, napatunayan na ang mga hayop ay nakakatanggal ng depresyon dahil parang meron kang isang tunay na kaibigan na susunod sa ‘yo kahit saan mo siya dalhin at handa kang ipagtanggol kapag may panganib na nakaamba sa ‘yo.

PARA SA ANUMANG REAKSIYON o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

ACIRC

AIRA

ANG

ASO

DIN

HAYOP

ITO

LANCASTER NEW CITY

MGA

NILA

PARA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with