Hindi maikakaila ang marami ng krimen na naitala at nakita sa mga nakakalat na CCTV.
Bukod pa na sa kasalukuyan ay talagang laganap na rin ang nakakalat na mga CCTV sa hindi lamang sa harap ng mga pribadong bahay kundi maging sa mga lansangan.
Noon lamang nakalipas na linggo nasumpungan ang maraming mga pag- atake ng mga kawatan.
Natiktikan ng mga nakakabit na CCTV ang ilang pangangarnap, pag- atake ng salisi partikular sa mga establisimento hanggang sa harapang mga pagpatay.
Yun nga lang, sa kabila na nakunan ng CCTV ang mga pangyayaring ito, tila hanggang doon na lamang.
Ang siste, wala namang nakatutok o nagbabantay para agad itong marespondehan kaya ayun nakakawala ang mga kawatan at kriminal.
Kapag nangyari na ang isang krimen at saka lamang rerebyuhin ang kuha sa CCTV. Bagamat malaking bagay din sa paglutas ng kaso ang mga nakakabit na CCTV kahit walang nakamonitor dahil nakikilala sa pamamagitan ng mga kuha kung sino ang sangkot dito, ang pagtugis naman at paglutas sa kaso ang nagtatagal.
Kumpara kung may nakatutok sa CCTV maaaring agad itong marespondehan para sa agarang ikadarakip ng mga sangkot.
Subok na ang kahalagahan ng mga camera na nakakalat sa lansangan lalu na sa crime prevention dahil nga andap din ang ilang masasamang loob na umatake kapag nakita nila ang CCTV.
Pero aminin din natin na may ilan na kahit na may CCTV ay hindi nagdadalawang isip na isagawa ang kanilang operasyon, marahil alam nilang hanggang kuha lang ito at madali pa rin silang makakawala dahil nga sa walang nakamonitor.
Panahon na marahil na kailangang matutukan o mabantayan ang bawat nakukunan ng CCTV na mas malong makakatulong sa pagsugpo sa krimen sa kapuluan.
Partikular ang mga CCTV na mismong ang pamahalaan o lokal na mga pamahalaan ang siyang naglagay.
Isama na rin dito angga CCTV na ikinabit sa bawat barangay.
Maliit na katagdagang pondo lang naman matahil ang kakailangaon para maglaan ng tututok sa mga kaganapan na nakukunan ng CCTV para lalong magkaroon ng saysay sa paglalagay nito.