^

Punto Mo

Sampaguita (136)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGTUNGO si Levi sa J. P. Rizal Avenue sa Makati. Kumanan siya sa Varona St. Doon makikita ang taong kailangan niya para maitumba ang matandang si Sir Manuel. Ang taong pupuntahan niya ang bahalang kumontak sa tandem na magtutumba kay Sir Manuel.

Makipot ang Varona St. pero kasya ang dalawang sasakyan. Maraming batang naglalaro sa kalye. Isang lumang apartment ang tinungo niya. Nakita niya na may mga lalaking nag-iinuman ng alak sa tabi ng tindahan na malapit sa apartment. Ipinarada niya ang sasakyan malapit sa nag-iinuman.

Isang lalaki ang tumayo mula sa nag-iinuman at lumapit kay Levi.

“Sir Levi!”’ Sabi ng lalaki, mga 35-anyos, maganda ang pangangatawan. ‘‘Ba’t napasyal ka?’’

“May ipagagawa ako, Banjo.’’

Napangisi si Banjo.

“Basta ikaw. Nasaan ang picture at detalye.’’

May kinuhang brown envelope si Levi sa backseat. Iniabot kay Banjo.

“Nariyan na lahat ang kailangan. Pati ang talent fee nariyan na rin. Kapag nagawa na, may bonus.’’

‘‘Okey! Kailan mo gusto, Sir Levi?’’

“Sa lalong madaling panahon.’’

“Gusto mo bukas na e he-he-he!’’

“Bahala ka. Basta wala akong alam d’yan.’’

“Alam ko. Maski nga ako, walang alam dito, he-he-he!’’

“Okey nagkakaintindi-han tayo.’’

“Areglado, Sir Levi.’’

Umalis na si Levi. Habang lumalabas sa Varona St. ay nakangisi siya. Masosorpresa ang matanda sa mangyayari sa kanya. Magugulat na lamang at malalaman na tigok na pala siya, ha-ha-ha! Walang kamalay-malaya ang matanda na bistado na ang plano niya. Pati ang babaing inatasan niya para gantihan siya ay mabibiktima na rin niya.

Pero hindi siya magpapahalata kay Sampaguita na bistado na niya ang plano nito. Patuloy pa rin siyang magkukunwari na mabait at maamong tupa. Ipagpapatuloy niya ang kunwari ay malinis na hangarin kay Sampaguita. Padadamahin niya nang todo at kapag nakuha na niya ang loob, saka niya wawasakin gaya nang ginawa niya kina Ylang-Ylang at iba pang babae na nakarelasyon niya. Ipalalasap niya kay Sampaguita ang sakit. Wala siyang seseryosohing babae sa buhay niya. Pare-pareho lang ang mga babae na manloloko!

SAMANTALA, patuloy na gumagawa ng paraan si Viring para makontak si Ram. Kailangan niyang makontak ito para maipaalam ang nangyayari kay Sampaguita na nahuhulog na ang loob kay Levi. Kailangang magkausap ang dalawa bago maging huli ang lahat.

Pero laging busy ang cell phone ni Ram. Ano kaya ang nangyayari sa taong iyon? Bakit hindi man lamang tumatawag kay Sam? Parang siya na rin ang gumagawa ng paraan para lumayo sa kanya si Sam.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ISANG

KAY

LEVI

NIYA

PATI

PERO

SIR LEVI

SIR MANUEL

VARONA ST.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with