^

Punto Mo

Kuwentong Piso at Sanlibong Piso

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MINSAN, nagkasama sa isang cash box ang coin na piso ang 1000 peso bill.

Medyo maangas si 1000 Piso. Gusto niyang ipagyabang kay Piso ang kanyang mga accomplishments.

“Ako ang paboritong ilagay sa wallet ng mga Sy, Tan, Gokongwei, Ayala at mga sikat na negosyante. Pagod na pagod ako lagi na magpabalik-balik sa kanilang wallet. Bukod sa wallet ng mayayaman, nakarating na rin ako sa five star hotel, casino, at sa ibang bansa.”

“Paano ka makakarating sa ibang bansa samantalang dito lang tayo ginagamit sa Pilipinas?” tanong ng inosenteng si Piso

“Tange, dinadala ako sa ibang bansa at pagkatapos ay doon ako ipinapalit ng dollar,” pabulyaw na paliwanag ni 1000 Piso. Napa-ahhh na lang si Piso.

Nagpatuloy sa pagyayabang si 1000 Piso. “Sa tuwing may laban si Pacquiao, ako lagi ang bida sa pustahan. Ako rin ang ipinamimigay ng mga pulitiko sa mga botante para sila ay iboto. Tiyak na busy ako sa darating ng eleksiyon. Iba na talaga ang sikat.”

Si Piso naman ang nagkuwento. “Buti ka pa, mayamang-mayaman ka sa karanasan. Napakabongga ng buhay mo. Ako ay walang gaanong maikukuwento sa iyo. Hindi pa ako nakakarating sa mga lugar na sinabi mong napuntahan mo na. Simbahan lang ang madalas kong marating. Ako kasi ang madalas iabuloy ng mga taong gustong makatulong sa Simbahan ngunit mahirap lang sila at hindi kayang magbigay ng 1000 piso.”

ACIRC

AKO

ANG

AYALA

BUKOD

BUTI

GOKONGWEI

MGA

PISO

SI PISO

SIMBAHAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with