^

Punto Mo

Bald with Glasses

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

INIS na inis si John tuwing papansinin ng mga tao ang kanyang ulong unti-unti nang nakakalbo. Lalo lang kasing sumasampal sa kanya ang katotohanang siya ay tumatanda na. Minsan ay nagbakasyon siya sa  America. May restaurant pala doon na kailangan mong iwanan ang iyong coat sa isang counter malapit sa entrance. Siyempre, naisip niyang may number o claim ticket na ibibigay sa kanya kagaya ng ginagawa sa mga department store dito sa atin upang iyon ang ipakita kapag babawiin na niya ang coat na iniwan. 

Nagtanong siya tungkol dito pero ang sabi ng lalaking taga-bantay ay hindi na raw kailangan. Nakita niyang may isinulat ang taga-bantay sa isang maliiit na papel at saka isinilid sa bulsa ng kanyang coat. Nang paalis na ay muling bumalik siya sa counter.

Iniabot agad ng lalaking taga-bantay ang kanyang coat nang walang tanong-tanong. Aba, ang galing…natukoy agad nito ang kanyang coat samantalang nasa sampung coat o higit pa ang naroon sa sabitan. Nasa kotse na si Alex nang maalaala niyang dukutin ang maliit na papel na isinilid ng lalaki. Ang nakasulat sa papel : “Bald with glasses.” Kaya pala. Sa halip na pangalan ang maging palatandaan sa coat, ‘yun na lang negative na hitsura ng tao, mas madali pang tandaan.

ACIRC

ALEX

ANG

COAT

INIABOT

KAYA

MINSAN

NAGTANONG

NAKITA

NANG

SIYEMPRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with