MRT at SAF 44, magiging isyu sa election
MAGIGING malaking usapin sa eleksiyon ang palpak na serbisyo ng MRT at ang 44 Special Action Force (SAF) commandos na nagbuwis ng buhay sa Mamasapano, Maguindanao.
Ang MRT at SAF 44 ang maaa-ring gawing salamin sa kandidato ng administrasyon at hindi maaaring takasan dahil alam ito ng sambayanan.
Ang paglala ng problema sa MRT ay sasalamin sa kahinaan ng serbisyo ng gobyerno. Imbes na bumuti ang MRT sa kasalukuyang administrasyon, lalo pang sumama ang serbisyo.
Magsisilbing pintas sa gobyerno ang palpak na serbisyo at dapat humanap ng magandang tugon ukol dito ang kandidato ng administrasyon.
Ang SAF 44 naman ay sumasagisag sa kabayanihan subalit hanggang ngayon, wala pang nakakamtan na katarungan. Hindi pa napapanagot ang mga responsable sa kanilang pagkamatay.
Ang SAF 44 ay sasalamin sa kabagalan ng hustisya sa ating bansa kaya kailangang ilatag dito ng kandidato ng adminis-trasyon ang maayos na tugon.
Kahapon, Sa True State of the Nation Address (TSONA) ni Vice President Jejomar Binay, inumpisahan niya ang pag-upak sa Aquino admnistration nang isa-isahin ang problema sa MRT at kawalan ng hustisya sa SAF 44.
Ang mga usaping ito ay malapit sa puso ng mga Pilipino at abangan natin kung ano ang magiging tugon dito ng admi-nistrasyon.
Asahan na sa kampanya sa 2016 elections, magbabatuhan ng putik ang mga kandidato sa halip na ilatag ang mga solusyon sa napakaraming problema ng bansa.
- Latest