‘Prostitusyon at illegal na droga sa mga resort’

DAGSAAN na ang mga bakasyunista at turista sa mga tourist spot at tourist destination sa bansa.

Patok na naman ang mga beach resort. Ilan sa mga sikat at talagang dinarayo sa Pilipinas tuwing summer ang isla ng Boracay at Puerto Galera.

Bukod sa mga magagandang tanawin, puting buhangin at sikat ng araw, nakikita nilang maluwag din ang mga awtoridad sa pagmo-monitor sa mga umiiral na patagong industriya rito.

Kaya naman ang bentahan ng mga ilegal na droga at panandaliang-aliw, talamak at namamayagpag.

Hindi na ito bago. Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ilan sa mga kakun­tsaba sa ganitong aktibidades, mismong mga manager at ibang empleyado ng beach resorts at maliliit na lodging in.

Kasapakat sila sa pagpupuslit ng ilegal na droga tulad ng shabu o bato, ecstasy at iba pa. Inihahatid at inginunguso nila sa mga parokyano. Alam nila kung saan kukuha ng suplay.

Bantayan din ang mga gurang na dayuhang turista na may kasamang mga ‘bubot’ pa. Ibi­ninubugaw sa mga kustomer ng mga mamasang o ‘di naman kaya sila-silang mga bata, ipinalalapa ang sarili kapalit ng pera.

Kaya sa mga magbabakasyon ngayong tag-araw sa mga beach resort at iba pang tourist spots, bantayan ang ganitong uring aktibidades.

I-report sa mga awtoridad o maaari kayong magsumbong sa aming “Report Online” sa bitagtheoriginal.com, mag-email sa bahalasitulfo@hotmail.com o mag-text sa BITAG hotline, 09192141624.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan  tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

Show comments