^

Punto Mo

Graffiti na lumilitaw lang kapag nauulanan, nagkalat sa seattle

- Arnel Medina - Pang-masa

SI Peregrine Church ay isang artist na nakabase sa Seattle, USA. Bukod sa pagiging alagad ng sining ay may hilig din siya sa mga magic tricks at makikita ito sa kanyang mga kakaibang obra na nagkalat sa lansangan ng Seattle.

Hindi kasi basta-basta makikita ang mga graffiti na kanyang ginawa sa iba’t ibang parte ng siyudad. Kailangan pang maulanan o mabasa ng mga ito para sila ay lumitaw sa paningin ng lahat.

Ginagawa ni Peregrine ang kanyang mga ‘invisible’ na graffiti gamit ang hydrophobic paint na isang klase ng pintura na waterproof kaya mapapansin ito kapag nabasa. Mga positibong mensahe at drawing na may kinalaman sa mga larong pambata ang iginuguhit ni Peregrine sa lansangan upang mapasaya ang mga naglalakad sa lansangan kapag umuulan.

Unang nalaman ni Pere­grine ang tungkol sa hydrophobic paint mula sa mga videos na napanood niya sa Internet na nagpapakita ng iba’t ibang gamit nito. Naisip niyang bagamat invisible ito kung ipipintura sa mga kalsada  ay lilitaw naman ito kapag umulan dahil karaniwang nangingitim ang semento kapag nabasa.

Ngayon ay nagkalat na sa Seattle ang mga nakatagong graffiti ni Peregrine na bigla na lang lumilitaw kapag naulanan. Sa katunayan nga ay naging sobrang kilala siya dahil sa kanyang naisip na kakaibang estilo ng paggawa ng graffiti kaya ginaya na rin ito ng isang kompanya ng hydrophobic paint upang i-advertise ang kanilang produkto.

BUKOD

GINAGAWA

KAILANGAN

NAISIP

NGAYON

PEREGRINE CHURCH

UNANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with