Kailan kaya?
Sa ngayon ang takbo ng ating gobyerno
Hindi mo malaman kung saan ang tungo;
Minsan ay pakaliwa minsan ay palayo
Dahil ang Pangulo’y waring nalilito?
Maraming beses nang itong president
May mga desisyon siya’y namamali
Kaso sa Mindanao ay maraming mali
Sa Mamasapano ay puro tiwali!
Kaso ng SAF 44 dapat ay tapos na
Pero hanggang ngayon pinag-uusapan pa
Bayad sa pamilya ngayon ay wala pa
Ano ang gagawin ng bawat pamilya?
Mga kawal natin laging naghihintay
Sa mga biyaya na dapat ibigay;
Kung laging ganito ang inaasahan
Huwag nang umasa kung wala rin lamang!
- Latest