Manong Wen (239)

SA kuwartong tambakan nila ng mga abubot nagtungo si Mam Violy. Kapag naisara niya ang pinto ay hindi na siya mapapasok dahil doble ang kandado niyon. Malawak ang kuwarto at maraming bagay na nasa loob.

Pero hindi nagawa ni Mam Violy ang plano sa­pagkat mabilis siyang nasundan ng lalaki sa kuwarto. Hindi niya naisara ang pinto.

“Huli ka!”

Nahawakan siya sa braso ng lalaki. Pinilipit iyon.

“Huwag! Maawa ka!’’

Pero lalo pang pinilipit ng lalaki ang braso.

“Matigas ka ha! Akala mo matatakasan mo ako. Wala pang nakakatakas sa akin!”

Pagkatapos pilipitin ang kamay ay isinalya ng lalaki si Mam Violy. Sadsad sa sulok si Mam Violy. Masakit ang braso niya.

Binunot ng lalaki ang baril. Itinutok kay Mam Violy.

“Dapat pala talaga ay binaril na kita kanina. Hindi ka puwedeng pagtiwalaan! Barilin na kaya kita!”

“Huwag maawa ka!”

“Ganyan din ang sinabi mo kanina! Mabuti pa yata ay tuluyan na kita!”

“Huwag maawa ka. Ibi­bigay ko na ang lahat ng pera ko huwag mo lang akong patayin.’’

“Hmmm. Puwede! Pero bago mo ibigay sa akin ang pera, kailangang matikman na kita. Masyado mo akong sinabik,” sabi at lumapit ang lalaki. Hinawakan siya sa braso. Pagkaraan ay hinipo ang mayamang dibdib. Napa­pikit si Mam Violy. Diyos ko, tulungan mo ako!

“Hmmm, mayamang dibdib. Uhaw na uhaw, ha-ha-ha!”

Patuloy sa pagdarasal si Mam Violy. Iligtas mo po ako!

Kumilos ang lalaki at ang ibaba ng tiyan ni Mam Violy ang inasinta.

Pero bago nailapat ang kamay doon, isang lalaki ang sumulpot.

“Ako ang harapin mo hayup ka!”

Si Tatang Nado!

(Itutuloy)

Show comments