…sa isang artistang Pinay
NAGSISILBING commander ng US troops na naka-assign sa Pilipinas si MacArthur. Bukod dito, naging adviser siya ni Presidente Quezon sa pagbuo ng Philippine Army. Taon 1930, limang buwan bago bumalik sa USA si MacArthur, aksidenteng nakilala niya ang artistang si Isabel Rosario Cooper na mas kilala bilang Dimples. Mabilis ang mga pangyayari…ang dalawa ay nagkalapit ng kalooban. Bago tumulak sa Amerika si MacArthur, sinabihan nito si Dimples na sumunod ito sa kanya sa Amerika para ituloy ang kanilang relasyon.
Kakahiwalay pa lang ni MacArthur sa unang asawa, si Henrietta Louise Cromwell noong 1929. Siya ay American socialite at kinikilalang “one of Washington’s most beautiful and attractive young women”.
Kagaya ng plano ni MacArthur, sumunod si Dimples sa Amerika at ikinuha ito ng apartment sa Washington D.C. Nang panahong iyon ay Chief of Staff ng US Army si MacArthur kaya para na rin siyang celebrity. Para hindi matsismis, ang pakikipagrelasyon niya kay Dimples ay kanyang itinago. Isa pa, takot din siyang mabisto ng kanyang inang dominante, si Mary Pinkney MacArthur, 80 years old. Sa ganitong punto, lihim na pinagtatawanan si MacArthur ng mga kakilala dahil sa edad niyang 50, para siyang 15 years old na takot mabisto ng ina na nakikipagsyota. Isang araw…sumingaw sa mga tsismosong taga-media ang inililihim ni MacArthur.
(Itutuloy)