^

Punto Mo

Manong Wen (233)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI alam ni Tatang Nado kung ano ang dahilan at nagalit ang lalaki kay Mam Violy. Hindi niya narinig ang usapan ng mga ito pero ang hula ni Tatang Nado, nanghihingi ng pera ang lalaki at nang ayaw bigyan ni Mam Violy ay nagalit. Nakita ni Tatang Nado na talagang galit ang lalaki at gustong saktan si Mam Violy. Kung itinuloy ng lalaki ang pananakit, baka nakalapit siya at nagulpi na ang lalaki. Mabuti at walang ginawa ang lalaki. Sinusuwerte pa rin ang lalaking mukhang sanggano.

Sa tingin ni Tatang Nado, umalma na si Mam Violy sa ginagawang panghihingi ng lalaki. Matapang na si Mam Violy. At saka naisip ni Tatang Nado, hindi pa panahon para lumantad. Maghihintay pa siya nang tamang panahon. Kailangan, tamang-tama ang paglabas o pagpapakita niya. Dapat ‘yung nasa gipit na sandali at kaila-ngan na ang pagkilos. Iyon ang hihintayin niya. Alam niya, darating sa lalong madaling panahon ang hinihintay niya.

Nang umuwi nabanggit niya kay Jo ang mga nasaksihan sa tindahan ni Mam Violy.

“Aba baka extortionist yun, Tatang. Marami ritong ganyan. Nabubuhay sa pa-ngingikil. Nananakot para lamang bigyan ng pera.’’

“Palagay ko nga, Jo. Kasi parang pinipilit si Violy. At nang ayaw pumayag si Violy, dinuro-duro pa. Parang binantaan pa si Violy.’’

“Karamihan po ng mga gumagawa niyon ay mga “alaga” ng pulis. Mga ex-convict at ang iba, halang ang bituka.”

“Kailangan pala, lagi akong magmatyag kay Violy ano, Jo?’’

“Opo. Ngayon ka niya kailangan.’’

Napatango si Tatang Nado.

ISANG gabi, naglalakad pauwi sa bahay si Mam Violy. Galing siya sa tindahan. Pasado alas-diyes ng gabi. Marami siyang kinuwenta kaya ginabi.

Iilan na lamang ang nag­lalakad sa kalye.

Nang may maramdaman si Mam Violy. Parang may sumusunod sa kanya. Hindi nagpahalata si Mam Violy. Tuloy sa paglalakad.

(Itutuloy)

KAILANGAN

LALAKI

MAM

MAM VIOLY

MARAMI

NANG

NIYA

TATANG NADO

VIOLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with