^

Punto Mo

Ang koneksiyon ng ‘Food’ sa iyong ‘Mood’?

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

HINDI ka ba nagtataka kung minsan na parang may gustung-gusto kang kainin? Hindi naman ito ang paborito mong pagkain pero may panahong hinahanap-hanap mo ito at nasasabik na kainin ito.

Ang pagpili ng kakainin ay may kaugnayan sa nararamdaman ng isang tao.

Natuklasan sa isinagawang  pag-aaral ni Cynthia Power, isang psycho­theraphist sa Chicago, ang mga sumusunod na katotohanan:

Kung may namumuong galit sa kalooban ng isang tao, mas gugustuhin niyang kumain ng karne upang ibunton ang galit niya sa pagnguya ng karne. Mas chewy ang karne, mas mabuti sa kanyang kalooban para mailabas niya ang kinikimkim na damdamin.

Kung nalulungkot ang isang tao at “feeling empty”, ang kadalasang pinipili niya ay mga nakakabusog na pagkain kagaya ng pasta at kanin para makadama ng pagiging “full” ang tiyan.

Chips, crackers at iba pang maalat na pagkain ang hinahanap-hanap ng taong nakakaranas ng sobrang stress.

Kung nalulungkot ay “comfort food” naman ang nagugustuhang kainin kagaya ng ice cream, macaroni or cheese.

Ang paboritong kainin ng sexually frustrated ay tinapay o doughnut o anumang mayaman sa carbohydrates na mabilis makabusog, malambot kagatin, mabilis nguyain at lunukin. Hangga’t maaari ay ayaw mapagod  sa pagnguya ng pagkain ang mga sexually frustrated.

CYNTHIA POWER

HANGGA

ISANG

KAININ

KARNE

KUNG

NATUKLASAN

PAGKAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with