^

Punto Mo

Pagkilatis sa ‘Budol-budol’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

RAMDAM na ang pagbabago ng panahon. Papasok na ang tag-araw.

Ngayon palang, nagbibigay-babala na ang BITAG sa publiko. Habang kasagsagan ng tag-init, kasagsagan din ng iba’t ibang modus isa na ang “Budol-budol”.

Ito ang organisadong modus ng mga sindikato gamit ang “budol” money na ginupit mula sa mga diyaryo. Isinukat sa totoong pera at nakarolyo na binalutan ng isang daan o isang libo. Kung hindi ka sanay sa ganitong uring modus, aakalain mo itong totoong pera.

Kadalasang makikita ang mga “budol-budol” gang sa mga lansangan at mga matataong lugar tulad ng lansangan.

Ang estilo, lalapit sila sa kanilang target. Kukunin ang atensyon, at magmamagandang-loob. Ang pinakapangkaraniwan, hihingi ng direksyon na parang inosente.

Ang iba naman, nagpapaawa o sinasadya talagang magmukhang kaawa-awa na parang takot na takot sa lugar.

Mahirap basahin ang anyo ng mga sindikato dahil   nag-iiba-iba sila ng estratehiya at paggamit ng modus.

Pero ang gasgas na nilang estilo, magpapain ng mga magagandang babae o hindi naman kaya isang matandang lola na sa halip na iwasan, maaawa at mapapalapit ka.

Dahil salat ka sa kaalaman, maaakit ka sa boladas at personalidad ng mga nagpapanggap na dorobo. Dito nangyayari ang modus.

Kinakailangan mo lang umano sumama sa kanila o hindi naman kaya, iiwan kunwari sa iyo ang isang malaking bag o sobre na puno ng pera na idedeposito sa bangko.

Pero para masigurong hindi mo tatangayin ang bung­kos ng pera, manghihiram sila sa iyo ng gamit partikular ang cell phone at iba pang mga mamahaling gadget.

Tandaan, kasagsagan ng ‘budol-budol’ sa mga buwan ng Marso, Abril hanggang Mayo.

Kaya para hindi mabiktima. simple lang ang All Points Bulletin (APB) ni BITAG, ‘do not talk to stranger.’Pwedeng magmagandang-loob pero ‘wag papagoyo.

Abangan ang Bitag Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas-10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

ABANGAN

ABRIL

ALL POINTS BULLETIN

BITAG LIVE

BUDOL

DAHIL

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with