Pumalpak muna, saka sumikat at yumaman

… koleksiyon ng mga istorya ng pagtitiyaga at pagtitiwala sa sarili:

Business Gurus

1. Henry Ford – limang beses siyang nalugi sa mga negosyong itinayo niya bago nagtagumpay sa negosyong nagpayaman sa kanya, ang Ford Motor Company.

2. Rowland H. Macy – Nagtayo siya ng tindahan ng karayom at sinulid ngunit nalugi nang malaunan. Muli siyang nagtayo ng tindahan ng tela pero nalugi na naman. Kung anu-anong trabaho ang pinasok niya bago naisipan muli niyang magtayo ng dry goods store, this time, kasosyo niya ang kapatid. Pinauso niya ang pagdidikit ng presyo sa bawat produkto kaya hindi na kailangang tumawad ng kostumer dahil pinababa ang presyo. Ang uso kasi noon, kailangan pang itanong ng kostumer kung magkano ang produktong nais niyang bilhin. Tapos magtatawaran sila sa presyo. Si RH Macy ang nagpauso ng wala-nang-tawaran style. Naging major success ang sistema. Hanggang sa naging department store ang dating maliit na tindahan. Pinangalanan itong Macy’s. Sila rin ang nagpauso na inia-advertise sa dyaryo ang mga paninda na may kasamang presyo ang bawat produkto.

3. Akio Morita – Ang Japanese na nagtayo ng kompanyang gumagawa ng rice cooker kasama si Masaru Ibuka. Pinangalanan nila ang kompanya ng Tokyo Tsushin Kogyo. Palpak ang rice cooker. Hilaw ang sinaing at nagtututong pa. Wala pang 100 units ang kanilang naibenta. Ang bagay na ito ay bihira nang mabanggit kapag pinag-uusapan ang history ng kompanya. Hindi naman sumuko ang dalawa at nag-imbento ng magnetic recording tape. Sinundan ito ng pag-imbento ng pinakaunang tape recorder noong 1950 at pocket sized transistor radio. Nagsunud-sunod na ang tagumpay nila sa pag-iimbento ng electronic products. Simula noon pinalitan na ang pangalan ng kompanya ng SONY Incorporation.                                          

(Itutuloy)

Show comments