^

Punto Mo

‘Koneksyong’ MILF, ASG, busisiing maigi

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Bago pasimulan ang hearing kahapon sa Senado kaugnay sa Mamasapano incident, ipinakita muna ang larawan na nagpapakita sa mga miyembro ng MILF kasama umano ang mga miyembro naman ng Abu Sayyaf Group sa isang training camp sa Sulu.

Ayon sa kinauukulan  kailangan pang ma-validate ang mga larawan.

Bukod dito, namalas rin ang matataas na kalibre ng armas na gamit na nasa harap at dala ng ilan sa mga ito.

Binanggit pa sa pagdinig na kalakip ng larawan ang sulat na ipinadala ni Sulu Vice Gov. Abdusakur Tan sa Senado na nagsasabing nakakabahala para sa mga ordinaryong mamamayan ang mga matataas na kalibre ng armas na makikita sa litrato.

Aba’y kung totoo nga na koneksyon ang MILF sa ASG na itinuturing na grupo ng terorista  mukhang may malaking problema  lalo na sa usapin pangkapayapaan sa pagitan ng grupong una at pamahalaan.

Dapat lamang na   mabusisi nang husto   ang ganitong mga lumalabas na ulat bago tuluyang sumabak sa isinusulong na BBL.

Baka naman panay ang puna ng government peace panel sa SAF tungkol sa kawalan ng koordinasyon sa isinagawang misyon, samantalang ang mga nalalabag na implementing operational guidelines sa cessation of hostilities ng MILF eh hindi nasisilip o dito nagbubulag-bulagan.

Sa huling pagdinig kahapon ng Senado, kapansin-pansin na gamit na gamit ang salitang ‘koordinasyon’ na maging ang MILF eh ito rin ang iginigiit na kakulangan kaya nagkaroon umano ng hindi magandang pangyayari sa Mamasapano.

Mistulang dito na lang tumutok,  kaya ang natutumbok ay ang hindi umano magandang pagplano sa isinagawang operasyon.

Mukhang ang sinibak na SAF director na si Gen. Getulio Napeñas   ngayon mabubunton ang lahat ng sisi.

Pero sa pagsisimula pa lamang ng lahat ng mga isinagawang pagdinig kaugnay sa Mamasapano incident at kahit pa nga paikut-ikutin hindi nababago ang mga pahayag ni Napeñas.

Consistent, nailahad,  na­iprisinta niya ang kanyang alam at naging partisipasyon sa naturang misyon. Hindi rin niya tinatalikuran ang kanyang responsibilidad.

Kung saan nga lang su­mablay ito ay nang ituring niyang order o utos ang mga sinasabi sa kanya ni dating PNP chief, Director General   Alan Purisima na ayon naman sa huli ay hindi order kundi  advise.

Advise daw  na hindi naman pinaniniwalaan o kinakagat  ng marami lalu pa nga at kausap nito si PNoy, bago ibigay ang sinasabing utos o advise.

Sa mismong araw ng ope­rasyon, si Purisima at hindi na si Napeñas ang nag-uulat sa Pangulo kundi ang nagbitiw na PNP chief.

ABDUSAKUR TAN

ABU SAYYAF GROUP

ALAN PURISIMA

MAMASAPANO

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with