^

Punto Mo

Dapat bang nililinis ang tainga araw-araw?

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

NAKAUGALIAN na natin na pagkatapos maligo at bago gumayak paalis ng bahay ay maglinis ng tainga. Pero sa totoo lang, hindi dapat ugaliing araw-araw ang paglilinis ng loob ng tainga. Ang tutuli o earwax ay bahagi ng proteksyon ng ating mga tainga. Ito ay isang uri ng secretion na nagsisilbing taga-sala ng pumapasok na alikabok o dumi sa ating tainga.

Kahit ang mga insektong aksidenteng nakapasok sa tainga ay hindi makatutuloy sa kaloob-looban ng tainga dahil sa mga tutuling ito.

Kung araw-araw ang gagawing paglilinis ng tainga, nawa­walan ng pagkakataon na makaipon ng tutuli sa loob ng tainga. Kaya maipapayong 2-3 beses lamang sa loob ng isang linggo ang dapat gawing paglilinis ng tainga.   

Ang mga bata ay karaniwang mas maraming tutuli. Ngunit habang nagkakaedad tayo, nababawasan na rin ang dami ng produksyon ng tutuli. 

 Basa ang karaniwang tutuli natin. Karaniwa’y hindi ito nagdudulot ng problema. Pero may mga taong tuyo ang tutuli kaya may posibilidad na mamuo ito sa loob. Nagdudulot tuloy ito ng pami­mingi o kakaibang discomfort. Kapag hindi natatanggal ang namuong tutuli at naging matigas ito (impacted, sabi nga), kakailanganin pang palambutin muna ang tutuli ng ilang patak ng mineral oil o baby oil bago kaunin ito. O kaya’y kailangang pumunta pa sa isang ENT specialist upang ipabomba ito gamit ang isang bulb syringe. Ligtas naman ang ganitong procedure at di dapat ipag-alala.

Kung namuo na ang tutuli sa loob, hindi na makatutulong kung susundutin pa ito ng cotton buds, daliri, o kung ano pang maipapasok na bagay. Lalo lamang mapipipi ang tutuli patungo sa bamban (eardrum) ng tainga.

Makatutulong ang mga sumusunod na tips:

  • Palambutin muna at paluwagin ang impacted na tutuli gamit ang baby oil o mineral oil. Maglagay ng 2 patak nito sa apektadong tainga dalawang beses maghapon sa loob ng dalawang araw.
  • Kung mangyaring mapalambot at mapaluwag  na ang tutuli, at may spray ang inyong shower, puwedeng itapat ang spray sa inyong tainga upang tuluyan nang ma-drain ang tutuli. Siguradu­hing maligamgam lamang ang gamit na tubig. Kung malamig kasi ang tubig, puwedeng mahilo ang pasyente.
  • Kung hindi makaya ng baby oil at shower spray, kakaila­nganin nang gawin ang tinatawag na “flushing” gamit ang isang bulb syringe ng isang ENT specialist.
  • Huwag magtangkang gawin ang “flushing” na ito kung ang taong may impacted earwax ay nagkataong may butas na bamban ng tainga (ear drum).
  • Kung napansin n’yong ang problema sa tainga ay may ka­­akibat na pagkaliyo, pagkawala ng tamang balance, at pagdu­duwal, kumunsulta na.
  • Pumunta na rin sa isang ENT specialist kung ang na­muong tutuli ay nagdudulot ng parang tunog na matining sa tainga (ringing­ sound), o may pakiramdam na punumpuno ang tainga (full feeling), o may pamimingi.

BASA

ISANG

KUNG

PERO

SHY

TAINGA

TUTULI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with