Manong Wen (186)

“AKALA n’yo makakatakas kayo ha?” sabi ng kidnaper kina Princess at Precious. Paakyat na sa pampang ang magkapatid nang sumulpot ang dalawang kidnaper.

“Hindi na kayo makakatakas ngayon!’’

Takot na takot ang magkapatid. Sindak ang nasa mukha ni Precious. Akala niya, ligtas na sila. Hindi pala. At maaaring bumagsak na sila sa mga kamay ng dalawang hayok na ito.

“Ate, anong gagawin natin?” Naibulong niya kay Princess.

“Humanda ka, babalik tayo sa pinanggalingan. La­kasan mo ang loob. Hindi tayo susuko!”

“Sige Ate. Basta huwag mo akong iiwan.’’

“Hindi kita iiwan. Bibilang ako hanggang tatlo at tatakbo tayo. Tatawid uli tayo sa sapa, okey?”

“Sige Ate!”

“Isa, dalawa, tatlo!”

Mabilis na bumalik sa sapa ang dalawa at tumawid. Ang mga kidnaper naman ang nagulat.

“Hoy, tigil! Babarilin ko kayo! Tigil!”

Pero mabilis na tumakbo sina Princess at Precious. Hindi lumilingon. Walang puknat.

Hinabol sila ng mga kidnaper.

“Putang ina, nalusutan na naman tayo!” sabi ni Marko.

“Pag-naabutan natin, ba­barilin ko na. Wala nang tsetse buretse pa,” sabi ni Tsong.

“Sige, upakan na natin para hindi na tayo mapagod.’’

Pero malayo na sina Princess.

“Ang kalsada ang hanapin natin Precious. Baka may magdaang sasakyan at tulu­ngan tayo.”

(Itutuloy)

Show comments