^

Punto Mo

EDITORYAL - Mahal pa rin ang mga pangunahing bilihin

Pang-masa

HANGGANG ngayon, hindi pa natitikman ng mga karaniwang mamamayan ang pagbaba ng petroleum products. Mahal pa rin ang mga bilihin. Nasaan na ang Department of Trade and Industry (DTI)? Umaaksiyon pa ba sila?

Hanggang ngayon, ang mga pangunahing bilihin gaya ng bigas, isda, karne, sardinas, gatas, kape, asukal at iba pa ay hindi pa nagbababa ng presyo. Lahat nang mga produktong ito ay apektado ng pagbaba ng presyo ng petroleum products.

Mula Oktubre hanggang Disyembre 2014 ay nagkaroon na ng 15 beses na rollback ang diesel at 14 naman sa gasolina. Maraming beses na ring nag-rollback ang liquefied petroleum gas (LPG) at ang kerosene. Ngayong 2015 nagkaroon na ng apat na rollback ang gasoline at diesel. Nasa P33 na lamang ang bawat litro ng gasoline at P25 sa diesel. Dati, nasa mahigit P50 ang gasolina. Makukuwenta kung gaano kalaki ang na-rollback sa petroleum products. Ito na ang sinasabing malaking rollback sa kasaysayan. Sa isang linggo, nakaamba na naman ang rollback. Ayon sa report, bababa ng hanggang $30 per barrel ng langis na ang dating presyo no-ong nakaraang taon ay $100 per barrel.

Natutulog ba sa pansitan ang DTI at hindi sila gumagawa ng hakbang para atasan ang mga manufacturers na magbaba ng kanilang presyo --- halimbawa ay sa bigas o sardinas. Ang presyo ng bigas ay parehas pa rin noong nakaraang taon kaya pakonti-konti kung bumili ang isang kawawang empleado o trabahador. Ni hindi makatikim nang masarap na bigas gayong mura na ang petroleum products. Hindi nila maramdaman ang malaking pagbaba ng gasolina.

Umaksiyon naman sana ang DTI at latiguhin ang manufacturers para magbawas ng presyo. Maglabas din sila ng bagong suggested retail price (SRP) para sa mga pangunahing produkto. Kawawa naman ang mamamayan na karampot ang kinikita.

AYON

DATI

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

DISYEMBRE

HANGGANG

KAWAWA

LAHAT

MAGLABAS

MULA OKTUBRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with