^

Punto Mo

Manong Wen (175)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG dumating si Princess saka lamang nabawasan ang takot ni Precious.

“Mabuti at dumating ka kaagad Ate!” sabi ni Precious at humawak sa braso ng kapatid.

“Hindi mo ba nakita ang sumusunod sa’yo, Precious?’’

“Hindi Ate! Sa takot ko kasi, hindi na ako lumi­ngon. Binilisan ko ang lakad para makarating sa school. Pero sigurado ako, lalaki ang sumusunod sa akin!”

“Paano mo nasiguro?”

“Kasi mabilis ang hakbang na parang dadaklutin ako.’’

“Hindi kaya guniguni mo lamang iyon?”

“Hindi Ate! Kasi’y naririnig ko ang mga yabag habang nasa likuran ko. Hindi ako maaaring magkamali, Ate. Kaya takot na takot ako kanina. Habang nasa loob ako ng klase ay hindi ako mapakali at pakiramdam ko, inaabangan pa ako ng lalaking sumunod sa akin.’’

Nag-isip si Princess.

“Wala ka bang boyfriend?”

“Wala Ate!”

“Nanliligaw?”

“May mga nagpapa­ramdam pero wala pa sa isip ko ‘yan Ate. Gusto ko makatapos at saka bata pa ako.”

“Kasi’y baka meron kang binasted o pinagsupladahan at balak kang gantihan. Alam mo naman ang panahon ngayon, maraming baliw.”

“Wala Ate.’’

“Isa pa’y ang ganda-ganda mo. Maraming gustong maging siyota ka.”

“Naku wala pa sa isip ko ‘yan, Ate.”

Nag-isip si Princess. Napahinga nang malalim. Halatang problemado.

“Anong gagawin natin Ate?”

“Kailangang maging handa tayo, Precious.”

“Bakit Ate?”

“Baka mayroon pang remnants ang kidnapping group ni Chester at pinagpapatuloy ang sinimulan ng kanilang lider.’’

Nahintakutan si Precious.

“Paano tayo Ate?”

“Bahala na! Halika na, umuwi na tayo. Baka abutin tayo ng dilim ay lalo nang maging delikado ang lagay natin.”

Lumabas na sila ng gate ng school.

“Talasan mo ang mga mata at pakiramdam, Precious. Maaaring sumalakay ang mga may tangka sa’yo. Palagay ko, patay kung patay na sila ngayon!”

“Ate bakit hindi natin tawagan si Kuya Jo. Natatakot ako na baka tayong dalawa ang dukutin ng taong sumusunod sa akin. Wala tayong kalaban-laban sa kanila lalo pa kung mga tauhan sila ni Chester. Tiyak, kapag dinukot tayo, sisiguruhin nilang patay tayo.’’

“Kanina ko pa nga tinitext si Jo pero hindi sumasagot. Tinawagan ko na rin pero walang response.’’

“Diyos ko, baka biglang nagtungo sa Maynila! Paano tayo Ate?”

“Huwag kang ma­takot! Hindi sila basta-basta makakalapit sa atin. Nagawa ko na ring makipag­ laban sa mga salot na kidnapper at awa ng Diyos, ni galos ay wala akong natamo.’’

“Pero maaaring gumamit na sila ngayon ng armas at basta na lamang tayo pagbabarilin. Hindi na tayo  bibigyan ng pagkakataon na maipagtanggol ang sarili.’’

“Magtiwala ka Precious, maliligtasan natin ito. Halika na!”

Tinawag ni Princess ang isang traysikel drayber na nasa kanto.

Lumapit ang traysikel. Sumakay sila.

Habang tumatakbo ay sumusulyap sa dalawa ang traysikel drayber. Parang nakikinig sa usapan.

“Kinakabahan ako Ate. Parang may mangyayari!”

“Huwag ka ngang negatibo, Precious. Kapag yan ang inisip mo, yan ang mangyayari!”

Muli silang sinulyapan ng traysikel drayber. At pinabilis ang takbo ng traysikel.

(Itutuloy)

AKO

ATE

HINDI ATE

KASI

PAANO

PRECIOUS

TAYO

WALA ATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with