^

Punto Mo

Tinapay na gawa sa ginto, pinagbebenta ng $150 bawat piraso

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG panaderya sa Spain ang dinadayo ngayon ng mga mayayamang mamimili dahil sa ginagawa nitong mga tinapay na may kakaibang sangkap.

Bukod kasi sa mga pangkaraniwang sangkap sa paggawa ng tinapay ay mayroon ding ginto ang mga tinapay na ibinebenta ng Pan Piña Bakery na nasa maliit na bayan ng Algatocin.

Dahil sa gintong sangkap, umaabot sa $150 (mahigit sa P6,000) ang presyo ng bawat tinapay. Pitong dekada na ang bakery at gumagawa ito ng lampas 50 klase ng mga tinapay. Sa 50 ito ay walang duda na ang kanilang gintong tinapay ang pinakamahal at pinakakilala.

Naisip ng may-ari ng Pan Piña Bakery na si Juan Ma-nuel Moreno na haluan ng ginto ang kanyang mga tinapay nang minsang mabalitaan niya ang mga napakamahal na kapeng ibenebenta sa ibang rehiyon sa Spain. Pinagpasyahan niya ring gumawa ng mga mamahaling tinapay na magpapasikat sa kanyang maliit na bayan.

Hindi naman nabigo si Juan Manuel dahil dinadayo pa ng mga turista ang  bayan ng Algatocin para lamang ma­kabili ng kanyang gintong tinapay.

Aminado naman si Juan Manuel na pulos mapeperang mamimili na gusto lamang ipagmalaki ang kanilang yaman ang mga bu­mi­bili ng kan­yang tinapay dahil siya na rin mismo ang nagsa­sabing walang nadadagdag sa lasa ng tinapay ang gintong inilalagay sa kanyang produkto.

ALGATOCIN

AMINADO

BUKOD

JUAN MA

JUAN MANUEL

PAN PI

TINAPAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with