Kung Nalulungkot Ka…
December 24, 2014 | 12:00am
SUBUKAN mo ang mga sumusunod para manumbalik ang iyong sigla:
- Buklatin ang mga lumang litrato. Napatunayan ng isang pag-aaral sa United Kingdom Open University, mataas ang pagbabago ng mood ng isang tao kapag binuklat niya ang lumang photos ng pamilya kaysa ngumuya ng chocolate o makinig ng kanta o tugtugan.
- Kumain ng mani o anumang nuts. Nagtataglay ang nuts ng omega-3 fats na humahadlang para makaramdam ka ng depresyon.
- Gumamit ng orange or lavender scent para kumalma ang kalooban.
- Maglakad sa umaga kung kailan hindi pa masakit sa balat ang sinag ng araw. Ayon sa ilang pag-aaral na isinagawa ni Dr. Kripke, MD ng University of California San Diego, ang taong madalas maarawan sa umaga ay mas mahimbing matulog at hindi tinatablan ng depresyon.
- Ilista ang mga simpleng bagay na nagbigay sa iyo ng kagalakan sa puso. Halimbawa: Paglalakad ninyong mag-asawa sa mall na magka-holding hands. Maya-maya ay bigla niyang kukurutin ng pinong-pino ang iyong palad. Ikaw naman na may kaunting kaartehan ay mapapapitlag at mapapa-aray. Bubulungan ka ng iyong mister ng—Kung maka-aray…akala mo ‘virgin’. Tapos magkasabay kayong maghahagikgikan.
- Ayon sa mga psychologists ng University of California Riverside, ang pagsusulat at pag-alala sa mga nakaraang pangyayari na nakapagpasaya sa iyo anakakadagdag ng energy, nakakatanggal ng sakit ng kalooban at pagod.
- Tumawa.
- Mag-shopping.
- Mag-meditate.
- Manalangin.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended