50 Simple Health Tips

26. Ilan bang calories ang tama sa taong ang edad ay 50 pataas? Narito ang suggestion ng USDA (United States Department of Agriculture):

Babae:

Hindi physically active – 1,600 calories

Medyo active – 1,800 calories

May active lifestyle –  2000–2,200 calories

Lalaki:

Hindi physically active –  2,000 calories

Medyo active –  2,200-2,400 calories

May active lifestyle –  2,400-2,800 calories

27. Gaano ang tamang dami ng dapat kainin per meal ng 50 years old pataas?

Kasing laki ng deck of cards = 85 grams meat or poultry

½ cup ng alinman sa mga sumusunod: fruit, rice, pasta, or ice cream

1 cup of salad greens

Kasing laki ng 4 dice = 28 grams cheese

1 teaspoon of butter or margarine

2 tablespoons of peanut butter

1 cup of flaked cereal or a baked potato

28. Simulan ang iyong tanghalian o hapunan ng salad.

29. Sikaping magdagdag ng isang dark green at isang kulay orange na gulay sa iyong diet araw-araw.

30. Maghintay muna ng 20 to 30 minutes bago magdesis­yong mag-second round sa pagkuha ng pagkain.

31. Spinach ang tumutulong para magtrabaho nang maayos ang ating utak. (Itutuloy)

Show comments