^

Punto Mo

Solusyon sa trapik

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

HINDI humihinto ang Metro­ Manila Development Authority (MMDA) sa pag-iisip ng mga paraan upang ma­lutas ang problema ng trapik. Bukod sa umiiral ng number­ coding ay nais ipa­tupad ni MMDA chairman Francis Tolentino na baguhin ang ope­rating hours ng mga mala­laking shopping mall lalo’t papalapit na ang holiday season.

Batay sa panukala ng MMDA, maaaring ang isang hilera ng mga mall ay magsisimula ang pagbubukas ng 7 a.m. hanggang 7 p.m. at ang ilan naman at medyo tanghali na at hanggang hatinggabi na.

Kadalasan kasi na nagiging rason ng mas matinding problema sa trapik ay ang lugar na nasa paligid ng mga shopping mall at iyon ay subok na kapag mayroong sale.

Nakatakdang kausapin ni Tolentino ang mall operators para  sa pagbabago ng oras sa pagbubukas ng mall.

Pero maaring hindi magkakabisa ang ganitong sistema sa operating hours ng mga mall kung hindi naman makikiisa ang ibang sektor.

Dapat isara na ng mga shopping mall ang entrance/exit ng mga motorista sa mall sa EDSA para tiyak na mas magiging maayos ang trapik.

Gayahin ang US na walang entrance/exit ang malaking mall sa pangunahing kalsada kaya walang trapik.

Ang isa sa nagpapasikip sa daloy ng trapiko ay ang kawalan ng disiplina ng mga pampasaherong sasakyan at mga pribadong motorista.

Silipin din ng MMDA ang pag-aalis ng mga bus terminal sa EDSA dahil magdadagdag ito sa trapik.

Kailangang ayusin ang lahat ng bagay upang malutas ang problema ng trapik sa Metro Manila.

BATAY

BUKOD

DAPAT

FRANCIS TOLENTINO

GAYAHIN

MALL

MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with