^

Punto Mo

Walang pakinabang

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

SIMULA nang sumapit sa otsenta anyos si Tata Berto ay palagi na lang ito nakaupo sa kanilang bahay. Madalas itong magkasakit kaya gustuhin man niyang makatulong kahit man lang sa gawaing bahay ay hindi niya magawa. Nanginginig na ang kanyang kamay kaya noong minsang nagpumilit siyang maghugas ng pinggan ay dalawang pinggan at ilang baso ang sabay-sabay niyang nabasag. Kahit walang sinasabi ang anak na si Romeo, nadadama  ng matanda ang pagkaasar sa kanya ng anak. Pahagis kung binibigyan siya ng pagkain. Lagi itong nakabulyaw sa kanya kapag kinakausap siya.

Pabigat lang kay Romeo ang ama. Dati ay magkatulong sila sa pagtatrabaho sa bukid pero ngayon ay nag-iisa na lang siya. Hindi naman siya makakuha ng katulong dahil dagdag gastos. Malaki ang gastos niya  sa gatas ng bagong silang niyang anak. Nahihiya siya sa kanyang misis dahil sa halip na anak lang nila ang intindihin, pati ang kanyang ama ay kasama pa sa inaasikaso. Kaya isang araw ay gumawa siya ng kabaong. Nang mabuo ay inilagay niya ito malapit sa bangin. Tapos inakay niya si Tata Berto patungo sa kinalalagyan ng kabaong.

“Itay humiga ka sa kabaong.”

Nalungkot ang mukha ng matanda ngunit walang imik itong sumunod. Pagkasara sa kabaong ay unti-unting hinila ni Romeo ang kabaong sa gilid ng bangin. Plano niyang ihagis ito kasama ang kanyang ama. Mas mabuti pang mamatay ang kanyang ama para mabawasan ang pabigat sa kanyang buhay. Ihuhulog na sana niya ang kabaong nang may marinig siyang katok mula sa loob ng kabaong. Binuksan niya ang takip. Nagsalita ang ama.

Kusa na lang akong tatalon sa bangin at pagkatapos ay palabasin mong nagpakamatay ako para wala kang pananagutan sa batas. Huwag mo nang gamitin ang kabaong. Sayang. Puwede pa iyang gamitin  ng iyong anak… pagdating ng araw. Kapag wala na siyang pakinabang sa iyo.

BINUKSAN

DATI

HUWAG

IHUHULOG

KABAONG

KAHIT

KANYANG

KAPAG

KAYA

TATA BERTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with