^

Punto Mo

EDITORYAL - Dakmain, mga nagtatapon ng basura sa MRT

Pang-masa

NOONG Linggo ng umaga, dalawang oras na na­atrasado ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT). Hindi na nagtaka ang commuters sapagkat sanay na sila sa mga nangyayaring aberya sa MRT. Akala ng commuters, may natuklasan na namang mga bitak sa riles kaya tumigil ang operasyon. O di naman kaya ay baka may nag-overshoot sa barriers. O baka may umusok na namang bagon.

Pero mali ang hinala nang marami nang malaman ang dahilan nang pagtigil ng operasyon. Basura pala ang dahilan! Yes, basurang itinapon sa kawad ng kuryenteng nagbibigay ng power sa MRT.

Isang bag na punumpuno nang umaalingasaw na basura ang dahilan para huminto ang MRT. Nabulaga ang operator ng MRT bago dumating ng Magallanes Station sapagkat isang bag ng basura ang nakasabit sa alambreng linya ng kuryente na nagbibigay ng power sa tren. Nawalan ng kuryente sa lugar kaya sinuspinde ang biyahe mula Taft Station hanggang Mandaluyong Station.

Natagalan bago maalis ang bag ng basura sapagkat mabigat iyon at kailangang maging maingat ang pagkuha para maiwasan ang disgrasya. Ayon sa mga tauhan ng MRT, inihagis umano ng isang residente mula sa Malibay, Pasay ang basura. Hinala ng MRT personnel, inihagis mula sa overpass sa Malibay ang basura at eksaktong bumagsak sa train’s system power lines.

Maraming walang disiplina at kulang sa pag-iisip ang mga nagtatapon ng basura. Malaki ang aming paniwala na sinadya ang pagtatapon ng basura para maatraso o mapinsala ang operasyon ng MRT. Hindi na nila naisip na inilalagay nila sa peligro ang buhay ng mga pasahero. Maaaring maaksidente ang MRT kapag tinapunan ng basura o anumang bagay habang tumatakbo.

Mas maganda kung magkakaroon ng bantay ang mga footbridge o overpass para mahuli ang mga magtatapon ng basura. Paano kung hindi basura kundi mga matitigas na bagay gaya ng bato ang ihagis mula sa overpass? Delikado ang buhay ng mga pasahero ng MRT. Kumilos naman sana ang barangay sa lugar para mahuli ang mga walang disiplinang mamamayan na nagtatapon ng basura. Ikulong sila!

 

AYON

BASURA

MAGALLANES STATION

MALIBAY

MANDALUYONG STATION

METRO RAIL TRANSIT

MRT

TAFT STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with