^

Punto Mo

Bawas sa ‘pogi points’ ni Roxas

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Nakaporma na naman ang mga lamesa at ilaw sa sidewalk casino sa Pinatubo at West Point Sts., sa Cubao, Quezon City. Ayon kina Alex at ST, magsisimula na raw ang operation nila bukas ng gabi.

* * *

On the warpath si Ariel ‘‘Molly’’ Acuña, ang nasibak na tong collector ni DILG Sec. Mar Roxas. Hindi kasi nagustuhan ni Acuña ang bintang sa kanya ni Supt. Johnny Ormi, ng Office of Internal Security (OIS) ng DILG na binubukulan niya ang huli. Kaya nagbabala si Acuña na isisiwalat niya, hindi lang ang baho ni Ormi at nang 11 tauhan niya, kundi maging ang role ni Chief Supt. Danilo Pelisco, ang special police assistant (SPA) ng DILG sa tong collection activities gamit ang pangalan ni Roxas. At higit sa lahat, gagawin ni Acuña ang makakaya niya para makabawi sa kahihiyang dulot ni Ormi at amo na si Pelisco. Boom Panes! Hehehe! Pag nagkataon, mababawasan na naman ang pogi points ni Roxas kapag kumalat ang baho ni Ormi at mga bataan niya, di ba mga kosa?

Ang unang maapektuhan kapag itinuloy ni Acuña ang balak niyang pagkanta ay si Chief Supt. Jesus Gatchalian, ang director ng PRO4-A. Mabubulgar kasi na talamak ang illegal gambling sa Calabarzon area, lalo na ang pergalan nina Aleng Tessie Rosales at alyas Jessica. Kung tatamaan si Gatchalian, tiyak din na magagalusan sina Sr. Supts. Jireh Omega Fidel, Joselito Esquivel, at Florendo Saligao, ang PD ng Batangas, Cavite, at Laguna. Si Gatchalian ay magreretiro sa Enero subalit baka mapaaga siya kapag nagtatalsikan na ang laway ni Acuña, di ba mga kosa? Tiyak ‘yun!

Siyempre, kasamang tatamaan si CIDG chief Dir. Benjie Magalong dahil sa tong collection activities nina Tony Vila-kuwarta…este Villacorta pala at ang bata niyang si Ryan. Si Villacorta ang nag-iikot sa Cavite at direkta raw siya kay Magalong habang si Ryan naman ang sa Laguna at Batangas. Ano ba ‘yan? Sinisira nina Villa-kuwarta…este Villacorta at Ryan ang tsansa ni Magalong na maging PNP chief ah! Kapag nasibak si Magalong sa CIDG, malaki rin ang role na gagampanan nina Villacorta at Ryan, di ba mga kosa? Boom Panes!

Of course ang magdurusa sa lahat ay ang mga gambling lords, tulad nina Aleng Tessie at Jessica, dahil kaliwa’t kanang raid ang gagawin ng mga pulis o OIS para pagtakpan ang pagkukulang nila sa larangan ng kampanya laban sa illegal gambling. Kahit hingi-huli lang, ay gagawin ng mga bataan nina Fidel, Saligao at Esquievel para palabasin na gerilya na ang operation ng mga gambling lords dahil na-raid na nila ito. At sa ganitong sistema, gagastos pa rin ang gambling lords sa piskalya. Get’s n’yo mga kosa?

Sa pagbitaw ni Acuña at mga tropa niya, ang naiwang tong collector ng OIS ay sina Tony Ching sa pergalan nina Aleng Tessie at Jessica at sina Jess Magat at Ed Pagkalinawan. Boom Panes!

Teka nga pala, ang kasama ni Ormi na makipagkita sa bookies operator na si Christopher Mendoza alyas Topher sa Robinson’s Lipa ay ang pulis na si alyas Noel. Si Topher mga kosa ay dating tagapangasiwa ng STL bookies ng nasirang  si Roger Duling na pinalitan ng anak na si Ana Lohos. Naka-umbrella naman sa kanila sina Kap Carling, Menard at iba pa, di ba Supt. Jack Malinao Sir? Abangan!

ACU

ALENG TESSIE

BOOM PANES

CHIEF SUPT

JESSICA

ORMI

RYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with