Madadaldal na mga Pipi

ISANG may-ari ng pabrika ng t-shirt ang kumuha nang maraming piping manggagawa. Bukod sa nais niyang bigyan ng pagkakataon ang mga pipi, naniniwala siya na mas nagiging productive ang mga manggagawang hindi madaldal.

Isang araw, isang piping lalaking manggagawa ang lumapit sa may-ari. Isinulat nito ang kanyang kahilingan: Sir, nais ko pong magpalipat ng department.­

Bakit? Inilakas ng may-ari ang pagsasalita dahil ang lalaki ay 50 percent na bingi.

Isinulat ang kasagutan: Maiingay ang mga kasama kong babae. Mga madadaldal ! Nakakainis na.

Ha? Paano nangyari ‘yun? Di ba pipi kayo?

Isinulat muli ang kasagutan: Sir, tumingin ka doon sa tambayan ng mga kasamahan kong pipi.

Pinanood ng may-ari ang mga babaeng buong kasiyahang nagkukuwentuhan gamit ang kanilang mga kamay na mabibilis ang kilos.

Isinulat ng lalaki ang kanyang saloobin: Sir, balewala sa inyong nakakapagsalita nang normal ang pagsesenyasan ng aking mga kasamang pipi. Ngunit sa kagaya kong kauri nila, ang bilis ng galaw ng kanilang mga kamay ay kahalintulad ng mga babaeng normal na parang machine gun ang bunganga kapag tumatalak.

Show comments