^

Punto Mo

Psychologically speaking…

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ANG mga sumusunod na katotohanan tungkol sa mga tao ay mga resulta ng pag-aaaral na isinagawa ng iba’t ibang psychologists:

1. Interesado sa iyong sinasabi ang iyong kausap kapag lumalaki ang pupils ng kanyang mga mata.

2. Puwedeng kontrolin ang facial expression para hindi mahalata na may crush ka sa isang tao. Pero ang posisyon ng iyong paa ang magbubuko sa iyo. Ayon kay Vanessa Van Edward, isang behavioural investigator, ang paa ng taong may gusto sa iyo ay hindi sinasadyang napapatutok sa iyo.

3. Kung gusto mong pagkatiwalaan ka ng isang kausap na hindi ka mas­yadong kakilala nang personal, magsuot ka ng damit na blue. Sa kulay na blue, nagmumukha kang mapagkakatiwalaan, conservative, may tiwala sa sarili at malinis.

4. Kung gusto mong magkaroon ng impresyon ang mga tao na kaya mong mamuno, lagi mong itingala ng bahagya ang iyong ulo habang ikaw ay nagsasalita. Kasi ang taong laging nakatungo ay mabuti lang na tagasunod.

5. Ayon sa bagong pag-aaral, may tendency na magsinungaling at mag-ugali nang hindi maganda ang taong pagod. Kaya ang morning people (halimbawa: 8 to 5 office employees) ay malaki ang tsansang maging “bad” sa gabi. Ang night owls (call center agents, guwardiya) naman ay nagiging “bad” sa umaga.

(Itutuloy)

AYON

INTERESADO

ITUTULOY

KASI

KAYA

PERO

PUWEDENG

VANESSA VAN EDWARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with