^

Punto Mo

‘Cell phone lane’ para sa mga mahilig mag-text, binuksan sa China

- Arnel Medina - Pang-masa

TANGGAP na ng mga kinauukulan sa Chongqing City, China ang pagkahilig sa pagte-text ng kanilang mga mamamayan kaya naman para maiwasan ang banggaan habang naglalakad sa kalye ay nagbukas sila ng eksklusibong lane para sa mga nagte-text.

Ginawa ang nasabing “cell phone lane” sa Foreigner Street na isang bahagi ng Chongqing City na mara­ming turista. Sa cell phone lane na ito ay maaring mag-text ang mga naglalakad sa sidewalk ngu­nit ipinagbabawal na ito sa labas ng nasabing lane.

Proteksyon din ang cell phone lane para sa mga matatanda at bata na naglalakad sa mga kalye ng Chongqing na maaring mabangga ng mga nagte-text na hindi tumitingin sa kanilang mga dinaraanan.

Ngunit mukhang hindi naman epektibo ang naging proyektong ito sa Chongqing. Ayon sa mga nakapag-obserba sa cell phone lane ay madalas na hindi napapansin ng mga nagte-text ang mga karatula na nagsasabing kailangan nilang manatili sa cell phone lane na eksklusibo para sa kanila. Masyado kasi silang abala sa kanilang pagte-text kaya hindi rin nila nakikita ang mga ito.

AYON

CHONGQING

CHONGQING CITY

FOREIGNER STREET

GINAWA

LANE

MASYADO

NGUNIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with