^

Punto Mo

Kaibahan ni Binay kay Villar

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

MAARING maikumpara ang naging kalagayan nina dating senador Manny Villar at Vice President Jejomar Binay na parehong binabatikos sa isyu ng katiwalian.

Bago sumapit noon ang 2010 presidential elections ay binatikos si Villar  na umano’y minaniobra nito ang proyektong kalsada na Daang Hari upang maging pabor sa kanyang lupain para tumaas ang halaga.

Hindi nakarekober si Villar sa mga batikos kaya natalo sa eleksiyon at naluklok si P-Noy.

Masasabing pareho ang kalagayan ngayon na idinadawit sa katiwalian at dahil dito natalo si Villar sa eleksiyon. Pero malaking pagkakaiba dahil kung magsasagawa ng lifestyle, hindi mahihirapan si Villar na ipaliwanag ang kanyang yaman kumpara kay Binay na walang malaking negosyong napagkukunan ng kanilang kayamanan.

Bago pumasok sa pulitika si Villar ay matagumpay na itong negosyante samantalang si Binay ay umamin na galing sa mahirap na pamilya. Ang malaking kaibahan ni Binay ay kung makakaya ba niyang ipaliwanag kung papano sila naging mayaman kung ang pagbabatayan ang suweldo ng isang mayor.

May mga report na maraming lupain si Binay sa Batangas at may mansion at  condominium. Yumaman din ang mga anak ni Binay at may mansiyon sa malaking subdivision sa Makati.

Wala namang malaking negosyo na masasabing pinang­galingan ng kanilang kayamanan.

Sana magkaroon ng makatotohanang lifestyle check kay Binay upang magkaalaman kung saan nanggaling ang kanilang yaman.

Kung makakalusot sa lifestyle check si Binay, wala nang dahilan ang kanilang kritiko upang siya ay imbestigahan.

BATANGAS

BINAY

DAANG HARI

KUNG

MAKATI

MANNY VILLAR

MASASABING

P-NOY

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with