^

Punto Mo

Pagkaing nakapagpapabata

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

KUNG nais ninyong bumagal ang inyong pagtanda, o magmukhang “baby face” sa matagal na panahon, ang mga sumusunod na pagkain ay dapat ninyong isama sa inyong pang-araw araw na diet.

Prutas at Gulay:

Saging, pinya, papaya, buko, pakwan at citrus fruits (dalanghita, calamansi, pomelo, etc), avocado, strawberries at durian.

Sa mga gulay: talong, okra, ampalaya, sitaw, kalabasa, kangkong, saluyot, sigarilyas), patola, talbos ng kamote, pechay at malunggay.

Carrot, cauliflower, repolyo, broccoli, chicharo at letsugas. Ang nabanggit na mga gulay ay dapat na ibabad sa tubig ng 20 minuto bago lutuin upang matanggal ang pesticides na inisprey.

Ang nuts at legumes kagaya ng mani,  kasuy, butong kalabasa at butong pakwan. Ang whole grains kagaya ng kanin at mais.

Ang lahat na nabanggit na mga prutas at gulay ay may anti-oxidants na nagpoprotekta at nagkukumpuni ng skin cells.

Beans

Mayaman sa anthocyanin ang black beans at black soybeans. Ang soybeans naman ay mataas sa isoflavones na may anti-aging properties.

Tea/Red Wine

Ang anti-oxidant na catechins ay matatagpuan sa green tea, dark chocolate, at red wine.

Salmon

Kumain ng salmon at least, tatlong beses isang linggo. Mayroon itong omega 3 at mataas ang taglay na protina. Isama nang regular sa iyong diet. Hindi lang maganda sa balat, pati sa puso.

Water

Uminom ng 6 to 8 baso ng tubig araw-araw. Iwasan ang pag-inom ng inuming may caffeine. Ang sobrang caffeine ay nakakapagpatuyo ng balat.

Hangga’ t maaari ay hilaw kakainin ang prutas o gulay. O, kung imposibleng kainin ng hilaw, pasingawan lang ito (steam) upang hindi matanggal ang anti-wrinkle antioxidant.

GULAY

HANGGA

ISAMA

IWASAN

KUMAIN

MAYAMAN

MAYROON

RED WINE

UMINOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with