^

Punto Mo

Unahin ni Roxas ang bakuran niya

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

SALUBUNGIN natin nang masigabong palakpakan si NCRPO chief Dir. Carmelo Valmoria dahil sa pagpasara niya ng pergalan ni Alex sa Pinatubo St., at Ine sa West Point St., Cubao, Quezon City. Matatawag kong untouchable ang mga puwesto nina Alex at Ine dahil nakatimbre sila sa lahat ng operating units ng PNP, NBI at GAB. Pero nagkamali sina Alex at Ine at ipinagmalaki nila na direkta sila sa isang Atty. Valmoria na pamangkin umano ni Gen. Valmoria, kaya hayun nasampolan sila. Sa pagkaalam ko kasi, no take talaga itong si Gen. Valmoria. Subalit para sa kaalaman niya, hindi lang sina Alex at Ine ang bumabanggit ng pangalan ni Atty. Valmoria kundi maging ang video karera operators na sina Buboy Go sa Malabon City, SPO1 Roger Esteban alyas Sacho ng Caloocan City at ang mag-asawang Romy at Gina Gutierrez ng Maynila. Ayon pa kina Buboy, Esteban at Gutierrez couple, si Atty. Valmoria ang tumatanggap ng parating para sa uncle n’ya. Sa pagkaalam ko, “no take” policy si Gen. Valmoria. Dapat ipasara rin ni Gen. Valmoria itong VK operation nina Buboy, Esteban at Gutierrez couple para hindi naman unfair kina Alex at Ine, di ba mga kosa? Pero dapat habang panahon nang sarado itong pergalan nina Alex at Ine dahil salot ang mga ito ng lipunan at dahilan lang para tumaas ang kriminalidad sa Quezon City. Hehehe! Tumpak!

Kung isang kumpas lang ni Gen. Valmoria eh sarado kaagad ang pasugalan nina Alex at Ine, taliwas naman ang ginagawa ng mga bataan “kuno” ni DILG Secretary Mar Roxas. Imbes na mang-raid at ipasara ang mga pasugalan, aba “bangketa” ang lakad nitong taga-Office of the Interior Secretary (OIS). Ni-raid kasi ng mga taga-OIS sa pamumuno ng isang alyas Maj. Leo Vargas ang pergalan ni Emily sa San Pedro, Laguna nitong Biyernes subalit imbes na kasuhan ito aba pinakawalan ang dalawang empleado, matapos mag-usap malapit sa gasoline station sa Pacita complex, sa halagang P10,000.

Di ba maliwanag na “bangketa” ‘yan Sec. Roxas Sir? Sinabi ng mga kosa ko na bukas pa rin hanggang sa ngayon ang pergalan ni Emily, kaya napunta sa wala ang lakad ng OIS ni Roxas! Hehehe! Totoo ba na P1 milyon weekly ang target tong collection nitong tropa ni Vargas?

Bilang giya ke Roxas, ang gamit sa “bangketa” operation ng taga-OIS kuno ay isang kulay pula na Toyota Innova, at isang back-to-back vehicle ng PNP na may body No. 01. Hayan, i-inventory lang ni Roxas ang mga sasakyan ng PNP at tiyak mati-trace niya ang back-to-back na sasakyan, di ba mga kosa? Ang driver ng police vehicle ay nakasuot ng kulay itim na t-shirt na may logo ng OIS samantalang ang mga kasamahan ay naka-blue t-shirt, ang athletic uniform ng PNP. Ayon sa mga kosa ko, si alyas Maj. Leo Vargas ay mga 5’3” ang height, maputi, mataba, kulot ang buhok at may nunal sa kanang pisngi. Boom panes!

Nangako si Roxas na lilinisin niya ang PNP sa scalawag cops matapos maiskandalo sila ng P2.1 milyon “hulidap” sa EDSA, Mandaluyong City nitong Sept. 1. Sa tingin ng mga kosa ko, unahin ni Roxas na linisin ang bakuran n’ya bago siya makialam sa PNP. ‘Ika nga magsalamin muna si Sec. Roxas. Abangan!

ALEX

AYON

BUBOY

BUBOY GO

LEO VARGAS

QUEZON CITY

ROXAS

VALMORIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with