^

Punto Mo

Opisyal, dapat iakma sa ahensiya

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

PERWISYO at kalbaryo ang dinadanas ng taumbayan dahil sa kapalpakan ng ilang ahensiya ng gobyerno at mismong nangangasiwa dito. Lumilitaw kasi na hindi akma ang isang opisyal sa pinamumunuang ahensiya ng gob­yerno kung kaya hindi malayong magkaroon ng kapalpakan.

May mga ahensiya tulad sa DOJ na kailanganng namumuno ay isang abogado at sa DOH ay kailangang doktor upang mas  maging maayos ang pangangasiwa sa ahensiya.

Pero kung isang abogado pa rin ang mamumuno sa DOTC ay maliwanag na hindi ito akma sa kanyang posisyon na dapat ay engineer man lang o may sapat na kasanayan at bihasa batay sa trabaho ng kanyang departamento.

Kaya naman walang duda ang sobrang kapalpakan ngayon sa DOTC dahil ang namumuno dito ay isang abogado na si Secretary Joseph Emilio Abaya.

Bukod sa pagiging abogado ay ang karanasan ni Abaya ay ang pagiging pulitiko kung kaya kailangan pa nitong aralin ang lahat ng sistema sa DOTC kapalit naman ng kalbar­yo ng taumbayan.

Halos lahat ng ahensiyang sakop ng DOTC ay may kapalpakan sa pangunguna ng Land Transportation Office na sablay sa plaka ng sasakyan; Land Transportation and Franchising Regulatory Board na sablay sa prankisa ng mga bus, truck, taxi at jeepney at gayundin ang Manila Airport Authority na palpak sa panga-ngasiwa sa mga paliparan.

Hindi sa minamaliit ko ang kakayahan ng mga abogado pero dapat ay may sapat ding kasanayan ang DOTC secretary sa sistema ng bawat ahensiyang sakop nito. Bukod dito ay panahon na upang ayusin ang sistema sa mga namumuno o administrador ng bawat ahensiya na direktang may kinalaman sa pagbibigay ng serbisyo.

Dapat ay mga career official at hindi mga appointed lang na kapag nagbago ng administrasyon ay tanggal din sa puwsto.

Hayaan na lang na ang mapalitan ay ang Cabinet official kapag nagbago ng administrasyon pero sa mga ahensiya ay dapat regular employee o carreer official na ang pagseserbisyo ay hanggang sumapit ang edad ng pagreretiro.

Mas magiging episyente at maayos ang trabaho ng mga ahensiya kung hindi papalit-palit ang pinuno ng mga ito at asahan na mas magiging pabor ito sa publiko na makakakuha ng maayos ng serbisyo.

Ang mga maaring maalis at mapalitan lang ay kung may direktang nilabag sa panuntunan o pag abuso sa tungkulin at ito ay nakasaad naman sa polisiya ng gobyerno partikular sa civil service law.

ABAYA

AHENSIYA

BUKOD

DAPAT

LAND TRANSPORTATION AND FRANCHISING REGULATORY BOARD

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MANILA AIRPORT AUTHORITY

SECRETARY JOSEPH EMILIO ABAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with