Video karera

FLASH report: Iniligpit ni alyas Jojo ang nakalatag niyang video karera machines sa Pasay matapos maupo si Sr. Supt. Melchor “Batman” Reyes bilang bagong hepe ng pulisya. Ang buong akala ng taga-Pasay, hulog ng langit si Batman at malinis na ang siyudad nila nang kung anu-anong uri ng mga ilegal. Subalit kinagabihan, nakita si Batman na kainuman sina Supremo, Kap Santiago, Derek, Boyet Siga at Itmo na mga nasa likod ng tongpats sa mga nightclub, illegal terminal, pasugalan at vendors. Naka-nganga sa ngayon ang taga-Pasay!

• • • • • •

Nangangatog ang tuhod ng mga video karera operators sa sou-thern Metro Manila kapag nag-iikot na si SPO1 Rodolfo de la Cruz, kasama ang tatlo pa, tuwing madaling araw. Si De la Cruz, na may badge No. 012493, at ang mga kasamahan ay lulan ng puting SUV na inaalis ang plaka. Kaya naman namumutla sa takot ang VK operators ay hinuhuli pala ni De la Cruz ang mga makina nila. Subalit hindi dapat pa-lakpakan ang ginagawa ni De la Cruz at tropa n’ya mga kosa! Dahil ang siste pala, hindi dinadala ni De la Cruz ang mga nakumpiskang makina sa SPD headquarters sa Fort Bonifacio, at imbes ay inilatag din n’ya ang mga ito sa mga lugar kung saan marami ang adik para kumita. Get’s mo ba SPD director Chief Supt. Jet Villacorte?  Hehehe! Iba ang raket ni De la Cruz ano, mga kosa?

Si De la Cruz ay naka-assign sa anti-carnapping unit ng DID ng SPD. Kaya ang dahilan n’ya sa pag-iikot tuwing madaling araw, anang mga kosa ko, ay ang manghabol ng mga karnaper. Subalit sa totoo lang, ang talagang pakay ni De la Cruz at mga tropa n’ya ay ang magnakaw ng mga makina. ‘Yan ay kung hindi sila magbabantay ng mga nakalatag nilang makina, di ba mga kosa? Kadalasan, ang mga nakalatag na makina ni De la Cruz ay hindi nakatimbre sa mga local na pulisya. Kaya kapag nakumpiska ang mga makina niya, hindi na nilulutangan ito ni De la Cruz at imbes ay magnanakaw na lang siya ng makina bilang pamalit sa nawalang VK n’ya. Get’s mo Gen. Villacorte Sir? Hehehe! Ang pagkaalam ng mga kosa ko sagradong bata ni Villacorte itong si De la Cruz!

Para siguro matigil na itong pagnanakaw ni De la Cruz ng makina nila, dapat tularan ng mga VK operators ang estilo nina Buboy Go at SPO1 Roger Esteban, alyas Sacho, sa Malabon City at Caloocan City. Ang ginagawa pala ng mga tropa nina Buboy at Esteban ay binabaril nila ang sasakyan ng mga police raiders kaya iniiwasan na sila. Anong say mo Boss Noel? Kung sabagay, mas malaki ang babayaran sa pagpagawa ng nabistay ng bala na sasakyan kaysa sa isang nakaw na makina, di ba mga kosa? Hehehe! T’yak ‘yun!

Isa lang si de la Cruz sa mga nagsisilbing patunay na hindi naman kulang ang ating kapulisan sa bansa. Sa totoo lang marami sa kanila ay VK operators, o gambling lords at may iba pang gun-for-hire tulad ni PO2 Edgar Angel, ng Pasay police, ang confessed gunman ni car racing champion Enzo Pastor. At siyempre, hindi public service ang nasa isipan nila tulad ng sinumpaan nila kundi “bulsa” service. Abangan!

Show comments