^

Punto Mo

Madalas na holdapan sa tulay, tutukan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Grabe ang mga sumbong na natatanggap ng inyong Responde­ tungkol sa talamak na holdapan na nagaganap dyan sa Quiapo, Maynila lalu na sa mismong Quezon Bridge.

Paging, Mayor Joseph Estrada at MPD director

Chief Supt. Rolando Asuncion kailangan na sigurong maglagay ng nakaposteng pulis sa mismong tulay dahil dyan tumitiyempo ng holdap ang mga kawatan na umaatake sa mga pampasaherong jeep.

Wala na nga raw pinipiling oras ang mga kawatan sa lugar na pihadong nandyan lang naman sa mga tabi-tabi naglulunga.

Noon lamang nakalipas na Huwebes, katanghaliang tapat isang dalagita  ang nasugatan nang tumalon sa tumatakbong jeep na hinoldap ng dalawang lalaki.

Grabe, matapos tumalon ang kawawang biktima, na mabuti na lamang at medyo malayo ang kasunod na sasakyan kung hindi eh baka  nasagasaan pa ito,  sinabayan na rin ng baba ng dalawang kawatan na armado ng kutsilyo.

Hindi lang isang beses nangyari ang holdapan sa tulay ng Quiapo. Ito ang pinipiling lugar ng mga kawatan na dito sila nagdedeklara ng holdap, isa ito sa kanilang estratehiya dahil pagkaholdap tatakbo lang sa ilalim.

May dinadaanan ang mga ito na lagusan sa taas ng tulay kaya hindi agad sila nahahabol.

Ito ang dapat sigurong mahalughog ng mga awtoridad.

Kailangan na marahil dito ang todong pagbabantay sa magkabilang ruta ng tulay, dahil marami-rami na ang kanilang biniktima at malamang na madagdagan pa.

Malamang na iisang grupo ang kumakana rito, dahil sa kabisado ang lugar maging ang tatakbuhan, at malamang kilala ito d’yan.

CHIEF SUPT

GRABE

HUWEBES

KAILANGAN

MAYOR JOSEPH ESTRADA

QUEZON BRIDGE

ROLANDO ASUNCION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with