8 Life Tips

1. Hugasan ng tubig na hinaluan ng asin (isang dakot na asin sa isang timbang tubig) ang bagong biling shower curtain para hindi magkaroon ng amag.

2. Laging magdala sa bag ng pencil sharpener. O, idagdag mo sa iyong survival kit. Pampatulis sa kahoy para gamiting palaso. Puwedeng gumawa ng wood shavings na gagamitin sa paglikha ng apoy.

3. Kung ikaw ay nakakadama ng nerbiyos, diinan (acu­pressure)  mo ang iyong pulso sa braso. Nasaan ang pulso? Ipatong mo ang iyong 3 daliri (hintuturo, panggitna at palasinsingan) nang pa-horizontal sa ilalim ng iyong palad. Kung saan mapapatapat ang hintuturo, naroon ang pulso.

4. Saan mainam mag-aplay ng pabango: likod ng tenga, bandang ibaba ng lalamunan, kabila or likod ng siko, sa may pulso (wrist) at sa alak-alakan (likod ng tuhod).

5. Mas malakas makalasing kung ang ihahalong soft drink sa alak ay diet cola.

6. Huwag mo nang pagtiwalaan ang taong pinerwisyo ka na ng dalawang beses. Ang una niyang kasalanan  ay nag­silbing warning sa iyo; ang ikalawa ay nagbigay sa iyo ng aral na tigilan mo na ang pagiging tanga. Kung pagbibigyan mo pa rin siya sa ikatlong pagkakataon, iyon ay pagbibigay ng permiso na abusuhin ka.

7. Ang pakikinig ng 5 hanggang 10 awitin ay nakakabawas  ng depression ng 80 percent, nakakaunlad ng memorya, at nakakapagpalakas ng immune system.

8. Mas maraming magagawa at malayo ang mara­rating ng isang tao kung pakikinggan niya ang sinasabi ng kanyang katawan­: Matulog na kung inaantok, kumain ng masus­tansiyang pagkain, magpahinga kung napapagod na at magbakasyon kung nabuburyong na sa buhay.

Show comments