^

Punto Mo

‘No back rider’ ban sa Mandaluyong

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

MAGING ang mga nakaangkas sa motorsiklo na naka-uniporme ng pulis at militar ay hindi sasantuhin ng “no back rider” ban ni Mandaluyong City Mayor Benjamin “Benhur” Abalos Jr. Ipinaliwanag ni Abalos na maraming insidente kung saan mismong naka-uniporme ng pulis at militar ang suspect sa patayan hindi lang sa Metro Manila kundi maging sa ibang bahagi ng bansa. Kaya sa dara­ting na Agosto 30, kasama ang mga angkas sa motorsiklo na naka-uniporme ng pulis at militar ang sisitahin ng mga pulis, traffic enforcers at barangay officials sa Mandaluyong. Hehehe! Buti nga sa inyo!

Sa ilalim kasi ng Ordinance No. 938, otherwise known as the measure banning unrelated adult males from riding-in-tandem on motorcycles, ang mga angkas na babae at bata na pito hanggang 10 taon ang exempted sa back rider ban. ‘Yan ay maaring ang asawa o anak, subalit ang malayong kamag-anak ay hindi na din saklaw ng exemptions. Ang mga nasita ay dadalhin sa isang opisina sa City hall kung saan armado na ng mga computers at iba pang gadgets para mapabilis ang pag-tsek kung talagang magkamag-anak ang nakaangkas sa motorsiklo. Abot naman ni Abalos na maraming magagalit sa kanya dahil sa isinulong niyang batas, at humihingi siya ng paumanhin hindi lang sa taga-Mandaluyong kundi maging sa dumadaan sa kanilang siyudad. Aniya, ang pilot project ay i-implement ng anim na buwan lamang at ipagpatuloy lang kung magiging matagumpay ito. Hehehe! Pagbigyan natin si Abalos dahil ang kapakanan ng constituents niya ang kanyang nasa isip, di ba mga kosa!

May katwiran naman kasi si Abalos na isulong ang naturang ordinansa. Sa datos kasi ng pulisya, umabot sa 561 kaso na ang suspect ay riding-in-tandem na nangyari sa Mandaluyong nitong unang limang buwan ng taon, o tumaas ng 125 percent sa 249 insidente na naitala sa naturang period noong 2013. Ayon pa kay Abalos hindi kakulangan ng pulisya ang kasagutan sa problema dahil ginagawa naman ng mga tauhan ni Sr. Supt. Tyrone Masigon ang kanilang trabaho. Kaya sa pagpasa ng naturang ordinansa sa City Council noong Lunes, malakas ang paniniwala ni Abalos na matutugunan na ang problemang dulot ng riding-in-tandem. Hehehe! Tiyak ‘yun!

Sa totoo lang, nakuha ni Abalos ang ideya ng back rider ban sa Medellin, Colombia kung saan binisita niya kamakailan nang maging speaker siya ng United Nations (UN) World Urban Forum. Napag-alaman niya na noong kapanahunan ni Medellin drug cartel head Pablo Escobar, kaliwa’t kanan ang naganap na patayan at ang mga suspects nga ay ang riding-in-tandem. Subalit nang ipatupad ng mayor doon ang back rider ban, aba malaki ang ibinaba ng kriminalidad kaya ipinursigi ni Abalos ito sa pagbalik niya sa Mandaluyong, na kinatigan naman ng City Council. Kaya sa mga ungas ng society, iwas-iwas muna kayo sa Mandaluyong City dahil hindi kayo palalampasin ng ordinansa ni Abalos. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Abangan!

ABALOS

ABALOS JR. IPINALIWANAG

CITY COUNCIL

HEHEHE

KAYA

MANDALUYONG

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY MAYOR BENJAMIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with