Maraming ulikba
Itong ating mundo’y maraming ulikba
sila ay nagkalat sa bahay na dampa;
dahil ugali nila ay lubhang masama
taong mababait ay winawalanghiya!
Kahit sa tahanang malaki’t konkreto
ang mga ulikba’y kasama ng tao;
ang mga mapera kunwari’y kasosyo
pero wala naman kahi’t na sentimo!
Sa mga okasyong maliit malaki
palaging mayabang at nagmamalaki;
sila’y laging bida’t tanging dili-dili
sila’y makauna sa gawaing mali!
Kaya kung sa inyo’y may taong lalapit
magpapakilalang siya’y kapanalig
ang ugali niya inyong isaisip
na baka lansi lang at gustong magsipsip!
- Latest