Diyeta at pagpapapayat
MAHIGIT 10 pounds ang nadagdag sa aking timbang! Nakakaloka! Hindi ko ito pinalampas kaya sinimulan ko ang “balik alindog program,” upang maibalik ang dating kaakit-akit na katawan.
Hindi ako masyadong nag-ehersisyo at grabe pang pagluluto nitong nakaraang isang buwan. Imagine ang taas ng food intake ko samantalang ang pagsusunog ng mga kinain ay halos zero. Kaya sinimulan kong tumakbo at magbuhat ng weights at sinabayan ng istriktong pagdidiyeta. Balanse sa nutrisyon at sukat ang lahat ng pagkain at calories. Walang matatamis, maliban sa kape at hindi nagdaragdag ng asin sa pagkain. Mahirap mag-adjust sa simula pero kinasanayan ko rin dahil gusto ko talagang gumaan, maibalik ang aking dating timbang, gayundin ang gawin ng bahagi ng aking lifestyle ang tamang pagkain. Awa ng Diyos, paunti-unti ay nagbabago na ang aking timbang. Sa dalawang linggo ay nasa 4 pounds na ang nawala sa akin. Tama naman ang rate ng aking weightloss dahil nasa 1-2 pounds lamang ang ideal na nabawas bawat linggo.
Nag-research ako sa mga libro at internet ng resources sa tamang balanseng diyeta. Gayundin ng recipes ng mga healthy at low-calorie meals. Narito ang na-research ko:
Masama sa kalusugan ang low-fat diets. Dahil hindi naman fat ang masama sa atin. Ang mas masama ay ang carbohydrates. Ang diyetang labis na mababa sa fat ay nagpapataas ng panganib sa sakit sa puso? Kapag mababa ang fats sa diet, kasunod nito ay tinataasan naman ang konsumo ng carbs, na nagpapataas ng lebel ng triglycerides o unhealthy fats na nagpapataas ng risk for heart diseases.
Nagiging moody kapag masyadong mababa ang fats sa diet dahil mas mabilis ang pagtatrabaho ng insulin at bumabagsak ang lebel ng sugar sa dugo, ang resulta ay pagkagutom at iritable.
Lalong nakakataba ang low-fat diets. Kapag kumain ng labis na carbs, walang espasyo ang liver at muscles para mag-imbak ng sobra. Kaya ang nangyayari ay nako-convert sa fat ang sobrang carbs.
Huwag taba ang iwasan kundi ang carbs --- tinapay, kanin, pasta etc. Balansehin ang diyeta, sabayan ng pagpapapawis, alalahanin ang goal at matatamo ang inaasam na katawan!
- Latest