^

Punto Mo

Manong Wen (20)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI malilimutan ni Jo ang ginawa ni Manong Wen noong nasa Riyadh pa sila. Hindi niya malilimutan iyon. Mas matindi ang ginawa ni Manong Wen para siya mailigtas. Kung hindi kay Manong Wen, baka nakakulong pa siya o maaaring nakalaya na pero hindi na nakapagtrabaho sa Saudi. Kung nahuli siya ng mga awtoridad, black listed na siya. Pero tiyak na bago siya palayain, katakut-takot na hirap muna ang daranasin niya sa kulungan. Papaluin siya ng yantok. Baka mas matindi pa roon. Pero dahil nga sa kabutihan ni Manong Wen, nakaligtas siya roon.

Matigas din kasi ang ulo niya. Hindi siya naniniwala sa mga payo ni Manong Wen. Paulit-ulit na sinasabi sa kanya ni Manong Wen, na bawal ang alak, sugal, droga sa Saudi. Sundin ang batas para walang problema. Iba ang batas sa Saudi kaysa Pilipinas. Mas marahas at matigas ang batas sa Saudi. Ipinatutupad nila ang batas hindi tulad sa Pinas na maaaring suhulan ang pulis o maski hukom.

Pero dahil siya ay may katigasan nga ang ulo, binabalewala niya ang mga payo ng kaibigang si Manong Wen.

Hanggang sa mangyari iyon. Araw ng Biyernes, sinundo siya ng tatlong pinsan niya. Niyaya sa tirahan ng mga ito sa Al-Rawdah. Mayroon daw kaun­ting kainan dahil birthday ng isang pinsan. Malapit lang ang Rawdah sa tirahan nila --- mga 20 minutes­ lakarin.

Nagpaalam siya kay Manong Wen na pupunta sa bahay ng pinsan. Agad may binulong sa kanya si Manong Wen. Iwasan daw ang alak, sugal at droga. Delikado rito. Kung kainan lang e okey pero huwag ang mga binanggit.

Nangako naman siya kay Manong Wen. Hindi siya lalabag sa batas.

Umalis na sila.

Tama ang hula ni Manong Wen. Hindi lang kainan ang pinuntahan ni Jo kundi inuman. Sadiki ang kanilang inupakan. Ang pinsan niya ay eksperto sa paggawa ng sadiki. Ginawang negosyo. May distillery pala  ito sa tirahan. Marami nang customer.

Nalasing si Jo. Matindi. Iba palang makalasing ang sadiki.

(Itutuloy)

AL-RAWDAH

ARAW

BIYERNES

MANONG

MANONG WEN

PERO

SIYA

WEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with