Paano magiging malusog at matalino ang anak
ISANG kaibigan na first time magiging ina ang nagtanong sa akin kung paano magiging malusog at matalino ang anak. Ano raw ang mga ginawa ko noong buntis kay Gummy dahil napakalusog nito nang isilang. Heto ang 10 tips:
1. Huwag magpapalipas ng gutom. Kapag ginutom ang sarili, ginugutom din ang anak.
2. Never think about losing weight. Siyam na buwan lang naman ang hinihingi upang pakainin ng iba’t ibang pagkain ang nasa sinapupunan. After this, puwede ka nang mag-diet all you want pero kung nagbe-breastfeed ka, after 6 weeks pa maaaring mag-diet.
3. Kumain ng prutas at gulay. Dati hindi ako kumakain ng carrots at atay pero dahil kailangan ng aking anak, napilitan ako.
4. Huwag io-over cook ang mga pagkain para hindi mawala ang nutrients nito. Mag-steam ng gulay, isda at kung magpiprito naman ay huwag sobrang tostado.
5. Iwasan ang processed foods gaya ng hotdog at tocino. Tataas ang risk ng pagkakaroon ng spinal bifida ng anak.
6. Hindi pa kailangang magdagdag ng calorie intake sa unang tatlong buwan. At ang weight gain ay dapat magsisimula pa lamang ng second trimester. One pound a week dapat ang average gain mo.
7. Vitamin C. Ang vitamin C ay nagpapaputi ng balat. Tip ito ng aking dermatologist noong ako’y buntis. Kaya ngayon ang puti ni Gummy Bear. Makukuha ang Vitamin C sa suha, orange, mangga, papaya, pakwan, kamatis, broccoli, cauliflower at kamote.
8. Kumain ng dilaw at berdeng prutas at gulay gaya ng kalabasa, patatas, kangkong, mushrooms, sibuyas, okra, pipino, melon, mangga, papaya, suha, mansanas, saging at avocado. Mayroong Vitamin A at C ang mga ito. Para malaman kung alin ang pinakamasustansiya sa mga prutas at gulay, tingnan kung gaano ka-dark ang pagiging dilaw at berde nito – the darker, the more nutritious.
9. Kumain ng steak. Mayaman ito sa protina kaya magiging matalino ang magiging anak. Once a week akong kumakain ng steak noon.
10. Bukod sa nutrients na nasa pagkain, mahalaga pa ring mayroong pre-natal vitamin supplements kapag buntis. Tanungin ang inyong OB-Gyne hinggil dito.
- Latest