‘Kotong cop’, pinalaya ng piskalya, iaapila

Dismayado ang PNP CIDG sa Resolution ng piskalya ng Mandaluyong na “Release for Further Investigation” ang kasong robbery extortion laban sa isang PO1 JAIME Jan Brian Nicobera, miyembro ng Marikina police.

Hindi karaniwang pinalalaya ang ganitong kaso lalo’t awtoridad ang sangkot at ayon sa CIDG ay  matibay ang kasong kinasangkutan nito.

Nahuli sa isang entrapment ang naturang police sa Mandaluyong City  na humihingi ng 21,000 pesos na bumaba sa 15,000 sa isang complainant  para umano aregluhin ang isang kaso ng droga.

Narekober pa nga ang pera at ito’y malakas na ebidensiya sana, ayon pa sa CIDG. Pero ini release ni Mandaluyong fiscal Queruben Garcia ang kaso at pag-aaralan pa raw ito para sa itatakdang preliminary investigation.

Maging ang CIDG ay todo taka sa desisyon ng piskalya. Kadalasan pa nga, ayon kay Dir ector Benjamin Magalong, CIDG chief ay talagang sinasampahan talaga ito at ang kailangan lang ay probable cause para nga isampa ang kaso—lalu’t ang suspect ay isang alagad ng batas. Ang piskalya ang kadalasang may direktang control ng isang kasong isasampa sa korte. Pero rito takang-taka ang CIDG.

Natatakot tuloy ang complainant dahil delikado rin ang buhay niya maimpluwesiya umano ang naturang police at may kaanak na opisyal ng puliysa.

Nadiskubre pa umano ng CIDG, base sa  personal record ng naturang pulis—na ilang ulit na umano itong nasuspindi dahil sa mga kasong naisampa.

Pero ayon sa CIDG, ipupursige nila ang kasong administratibo laban sa pulis dahil nga raw n obvious at nahuli nila ito sa akto.

 

Show comments