Maraming krimen

Marami nang krimeng naganap sa bansa

sapagkat nagkalat  taong masasama;

gobyerno’t religion ay walang magawa

na gawing mabuti taong walanghiya!

 

Kidnaper, holdaper, mga akyat-bahay

hindi lamang pera ang kanilang pakay,

dahil sa namulat sa masamang asal

nang-aabuso pa saka pumapatay!

 

Nangyayaring  ito ay hindi mapigil

sapagka’t ang baya’y lubog sa hilahil;

kung tayo’y namulat sa gintong gawain

lahat nang masama ay hindi gagawin!

 

Sa iba mang bansa’y nagaganap ito

pero di garapal na katulad dito;

nagnanakaw sila – pera lang ang gusto!

at di pumapatay nang maraming tao!

Show comments