N ATUPAD ang kahilingan ni Drew. Pagkaraan nang ilang taong pagtitiis, nakita rin niya ang pisngi ng birhen ng gabing iyon. At hindi lamang nakita kundi natikman pa niya. Wala na raw yata siyang mahihiling pa sapagkat lahat ay ipinagkaloob sa kanya --- marami na siyang pera, tagumpay sa career bilang abogado, maunlad ang negosyo at higit sa lahat, mayroon siyang maganda, mabait at matalinong asawa. Palagay niya wala na nga siyang mahihiling pa. Kumpleto na sa palagay niya. Nasa kanya na ang lahat.
“Ikaw Gab, sa palagay mo may kulang pa sa atin?” tanong niya makaraang makita at matikman ang pisngi ng birhen. Hinihimas niya ang makinis, malambot at flat na puson ni Gab.
“Meron pa!”
“Ano?”
“Baby!”
“Ay oo nga ano? Baby pa nga pala ang kulang para masabing kumpleto.’’
“Kaya apurahin natin.’’
“Sige apurahin natin.’’
Nagtawa si Gab.
“Kailangang sa isang buwan ay dumuduwal ka na. Kailangang humingi ka na sa akin ng mangga na may kasamang bagoong.’’
Patuloy sa pagtatawa si Gab.
Lalo namang hinimas ni Drew ang flat na puson ni Gab. Pababa nang pababa ang ginawa niyang paghimas.
“Drew!”
Hanggang sa maabot muli ni Drew ang pisngi ng birhen. Doon na siya namalagi. Hindi niya pagsasawaan ang pisngi. Kahit tikman niya nang tikman.
HANGGANG sa matupad ang kahilingan, makalipas ang siyam na buwan, isinilang ni Gab ang una nilang baby. Isang malusog na sanggol na lalaki. Tuwang-tuwa ang mag-asawa. Ganundin sina Lolo Basil at ang daddy ni Drew.
“May nakahanda na akong pangalan sa kanya, Gab.”
“Ano?”
“Gabriel Andrew.”
“Pinagsama mo ang name natin?”
“Oo. Pero ang nickname niya ang kakaiba.”
“Ano?”
“Kou.’’
“Bakit Kou?”
“Binaliktad na Uok.”
“Galing!”
NAPANSIN nina Drew at Gab na habang lumalaki si Kou ay nagpapakita ng kakaibang katalinuhan. Nang ipakita ni Drew ang mga Uok na nasa tray, at tinanong kung ano ang mga iyon, nasabi agad nito. Nagtaka sila sapagkat noon lang nakakita ng mga Uok si Kou.
(BUKAS, ABANGAN ANG ISA PANG NOBELA NI RONNIE M. HALOS NA DINIBUHO PA RIN NI NILO COMODA.)