Kahilingan ni misis: Vagina, i-engraved sa kanyang lapida

KAKAIBA ang naging kahilingan ng isang misis sa kanyang mister bago ito namatay. Hiling ni Milena Marinkovic, ipa-engraved ang kanyang vagina sa kanyang lapida. Ito raw ay para matigil sa pambababae ang mister.

Ayon pa raw kay Melina, kung ang kan­yang vagina raw ang naka-engraved sa lapida lagi raw siyang maaalala ng kanyang mister at hindi nito magagawang mambabae. Isang retrato ng kanyang vagina ang iniwan ni Melina para makasigurong tama ang pagkaka-engrave nito sa lapida.

Nahirapan naman si Mr. Marinkovic sa paghanap ng taong mag-e-engraved ng vagina sa lapida. Katwiran ng mga stonemasons, blashphemous ang pag-eengraved ng vagina sa lapida.

Pero nakahanap din si Mr. Marinkovic ng taong mag-e-engraved. Nang matapos ang pag-e-engraved, nagustuhan ni Marinkovic ang pagkakagawa ng vagina. Kaparehong-kapareho raw ito ng vagina ng asawa.

Nagtataka naman ang bayaw ni Marinkovic sa naka-engraved sa lapida dahil mukha raw itong ibon na may malaking tuka. Hindi raw mukhang vagina.

Hindi naman nagkomento si Mr. Marinkovic.

Show comments