^

Punto Mo

Honduras, inuulan ng mga isda taun-taon!

- Arnel Medina - Pang-masa

KAKAIBA ang nangyayaring “lluvia de peces” o ­pag-ulan ng mga isda sa Honduras. Hindi­ ito isang kuwento o alamat lamang­.

Taun-taon sa bayan ng Yoro sa Honduras, nakararanas ang mga residente ng kakaibang panahon. Tuwing Mayo o Hunyo ay inuulan ang nasabing bayan ng mga isda pagkatapos daanan nang malalakas na bagyo.

Hindi na naninibago ang mga taga-Yoro sa kakaibang pangyayaring ito at sa katunayan nga ay nagsasagawa sila ng pista taun-taon upang ipagdiwang ang pag-ulan ng mga isda  sa kanilang bayan. Binansagang “Festival de la Lluvia de Peces”o piyesta ng pag-ulan ng mga isda, ang taunang kasiyahan ay isinasagawa na may kasamang mga parada at karnibal.

Pinaniniwalaan ng mga taga-Yoro na nagsimulang mangyari ang pag-ulan ng isda sa kanilang lugar 100 taon na ang nakararaan nang magdasal ang isang pari sa kanilang bayan na sana ay umulan ng pagkain para makakain ang napakara­ming nagugutom sa Yoro. Natupad ang dasal ng pari at himalang umulan ng mga isda.

Naniniwala naman ang mga eksperto na ang sinasabing pag-ulan ng mga isda ay sanhi nang malalakas na ulan sa Yoro. Maaaring tumataas ang lebel ng tubig kapag malalakas ang ulan na nagdudulot para sa mga isda na lumangoy sa mga bahagi ng kalupaan na walang tubig dati. Ang mga isdang ito ay naiiwan sa lupa kapag bumaba na ang lebel ng tubig pagkatapos ng ulan at napagkakamalan na mga isdang pumatak mula sa langit.

Gayunpaman, ang pa­liwanag na ito ay hindi masyadong pinapansin dahil mas gusto ng mga tao sa Honduras na isagawa ang kanilang tradisyunal na pista taon-taon at patuloy na maniwalang ang mga isda ay nahulog mula sa langit.

vuukle comment

BINANSAGANG

GAYUNPAMAN

HUNYO

ISDA

LLUVIA

TUWING MAYO

ULAN

YORO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with